Sharon pinatawad na ang writer na nanira sa kanyang pamilya

Sharon at Frankie

Pinapatawad na ni Sharon Cuneta ang writer-director na si Ronald Carballo sa mga hindi magagandang sinusulat nito tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya for so many years now.

Matatandaang naglabas ng galit ang Megastar sa nasabing writer some two weeks ago at nagbanta na uubusin niya ang kanyang naipon para mabigyan ito ng leksyon.

Pagkatapos nito ay naglabas naman ng public apology sa kanyang Facebook account si Ronald at humihingi ng tawad kay Sharon.

Sa latest YouTube vlog na inilabas ni Sharon last Sunday, sinabi niyang na-appreciate niya ang dating kaibigang writer sa letter of apology nito kahit na binura na nito ang nasabing post.

At dahil daw sa Kristiyano siya ay pinapatawad na niya ang dating kaibigan.

“I forgive you, I would try my best to forgive but one thing I will not do is sue you. Hindi kita idedemanda, Ronald, dahil may pinagsamahan naman tayo. At sana, gawin mo itong pagkakataon para magbago, bumalik sa Panginoon at gamitin ang talento mo sa pagsulat sa mabuti,” mensahe ni Sharon kay Ronald.

Pagdating naman daw sa rape threat ni Sonny Alcos sa anak niyang si Frankie Pangilinan, ipinauubaya na niya sa anak ang desisyon.

“Si Frankie ang magpa-file nu’n pag nag-decide siya. Hindi ako because she’s an adult so, that’s her choice,” aniya.

Ayon kay Megastar ay never pa raw siya nagalit nang ganito at ito ay dahil binababoy na sila.

“Never pa akong nagalit nang ganito, dahil never pa kaming – excuse the word – nababoy nang ganito,” she said.

Alam daw niyang maiintindihan din ng mga katulad niyang ina ang ginawa niyang pagtatanggol sa kanyang pamilya. Kasabay nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga sumuporta at naniwala sa kanya sa labang ito.

Ken gumamit ng new normal sa kanyang video

Umaasa ang Kapuso star na si Ken Chan na makakapaghatid ng magandang mensahe ang kanyang ‘new normal’ video na ibinahagi niya sa social media.

Tampok dito ang kanyang day-to-day activities na nais niyang ugaliin din ng publiko para manatiling ligtas mula sa pandemic.

Sa caption, mayroon ding touching message si Ken para sa mga minamahal na kababayan na sa ngayon ay higit na apektado ng virus, “First and foremost, I want to say that my heart goes out to all those who were and currently are affected by the COVID 19 virus - I pray things will get better soon - you are always in my thoughts and in my prayers.”

Dagdag pa niya, sana ay nakapaghatid siya ng inspirasyon sa karamihan at nakapagbigay ng pag-asa gamit ang video.

Show comments