Sky Cable subscription bagsak-presyo na?!
Salve V. Asis (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala na halos palabas ang TV Plus at Sky Direct Sattelite ng ABS-CBN.

Bandang 2:26 PM last Tuesday nga nang  natanggap ng network ang alias cease and desist order (CDO) mula sa National Telecommunications Commission (NTC) kung saan pinapatigil ang digital TV transmission ng ABS-CBN sa Metro Manila gamit ang Channel 43.

Ayon sa pahayag ng network, “Hindi man nakasaad ang Channel 43 sa CDO ng NTC noong Mayo 5, 2020, at sa pagkakaintindi ng ABS-CBN ay hindi sakop ng CDO ang Channel 43, hihinto na ang digital TV transmission sa Metro Manila sa channel 43 ngayong gabi (Hunyo 30), bilang pagsunod sa alias CDO.”

Dagdag pa nila : “Ibig sabihin, hindi mapapanood ng mga may TVPlus set-top boxes sa Metro Manila ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, CineMo, at KBO.”

May nakabinbing umanong petisyon ang ABS-CBN sa Korte Suprema na kinukuwestiyon ang CDO ng NTC.

Umaasa ang network na mareresolba ito para makapagpatuloy na sila sa pag-broadcast sa parehong analog at digital platforms at maglingkod sa mga Pilipino.

Samantala, marami naman ang na-confused sa Sky Direct at Sky Cable. Pero ayon sa isang taga-Dos, ang Sky Direct ay digital satellite na karamihan ay sa probinsiya at iba ito sa Sky Cable na hindi umano kailangan ng franchise kaya dito napapanood sa ibang programa ng ABS-CBN.

Dahil din sa nasabing problema ng ABS-CBN, balitang magiging P99 pesos na lang ang subscription ng Sky Cable mula sa dating almost P700 monthly.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with