Ryza
Ryza at dyowang cinematographer, nakabuo ng baby
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

Nakabuo ng sanggol sina Ryza Cenon at ang partner niyang cinematographer na si Miguel Antonio Cruz.

Si Ryza mismo ang nagkumpirma sa kanyang social media posts at interview na preggy na siya.

Lalaki ang expected baby niya at halu-halo ang emotions niya dahil nataon na pandemic ang pagbubuntis niya.

Si Ryza ang Ultimate Female Survivor Season 2 at huling napapanood sa GMA afternoon series na Ika-6 na Utos bago lumipat sa ABS-CBN.

Mukhang tama nga yata ang forecast ng isang ahensiya ng gobyerno na marami ang mabubuntis ngayong quarantine, huh! Though limang buwang buntis na ang Kapamilya star.

ABS-CBN walang nagawa sa cease and desist order

Masunurin naman ang ABS-CBN sa alias cease and desist order na ipinalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) tungkol sa pagpapatigil ng palabas sa TV Plus at Sky Direct.

Gabi ng June 30 ay wala na sa gamit naming TV Plus ang channels ng JeepneyTV, Cinemo at iba pa.

Pero pasok pa rin ang channels ng GMA, GMA News TV, Heart of Asia, OnePH ng TV5 at iba pa.

Iyakan siyempre ang ilang artista at supporters ng nakasaradong network pero kailangang sumunod ng network sa order ng NTC.

RYZA CENON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with