Maine dalawa ang showbiz anniversary
Maine
Maine dalawa ang showbiz anniversary
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

Maagang nag-post ang All Access to Artists (Triple A) sa kanilang Facebook account na fifth anniversary ng artist nilang si phenomenal star Maine Mendoza sa July 4.

Titled July 4 is the FIFTH. July 4 kasi nang unang mag-appear sa Eat Bulaga si Maine after niyang mag-audition para sa said longest-running noontime show noong June 19. 

May nagsabi ngang iyon daw June 19 ang 5th year niya in showbusiness, pero ang iba, lalo ang fans ni Maine, mas kinu-consider nilang nagsimula talaga si Maine sa showbiz noong July 4, 2015. 

From there, sunud-sunod na ang mga accomplishments ni Maine bilang isang TV host, actress, top endorser and product influencer.

Kaya post ng All Access to Artists, may virtual celebration daw silang inihahanda para kay Maine sa July 4 at post naman ng manager niyang si Rams David,  mapapanood ang virtual celebration at 8PM sa kanilang Facebook account.

 For sure, may celebration din ang Eat Bulaga para sa 5th anniversary ni Maine sa Saturday, July 4.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with