Marian pinaalalang tangkilikin ang mga lokal na produkto

Marian

Pinadama muli ni Marian Rivera ang pagi­ging Pinoy nang himukin niyang tangkilikin ang produktong lokal.

Naglabas si Yan ng mensahe sa selebrasyon ng Independence Day kahapon sa Instagram. Kasama nito ang paghikayat na bumili ng produkto ng Kultura Filipino.

“This Independence Day let’s unite to overcome the challenges of COVID, adapt to the new normal and heal as one nation,” bahagi ng caption niya sa litrato na suot ng local product.

Dagdag ni Marian, “For every purchase, you help workers and businesses thrive. Support local and make an impact today. Maligayang Araw ng Kalayaan!”

Mula nang maging endorser ng local products, isinantabi na ni Yan ang signature at branded na mga damit at gamit.

Sa totoo lang, true to her promise si Marian dahil bawat produktong ineendorso ay ginagamit niya talaga, huh!

Show comments