^

Pang Movies

Lizquen bibigyan na lang ng bagong serye

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kinumpirma ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na kanselado na ang seryeng Make It With You na pinagbibidahan ng aktres at ka-loveteam/boyfriend na si Enrique Gil (LizQuen).

Sa kanyang Facebook account inanunsyo ni Ogie ang balita na for sure ay ikinalungkot ng mga LizQuen fans.

“Sa mga nagtatanong kumbakit hindi nakasama ang  Make It With You sa magbabalik sa telebisyon ngayong June. .. Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo bilang manager ng isa sa bida (si Liza Soberano) na hindi na po ito mapapanood pa,” pahayag ni Ogie.

Pero nagbigay naman ng pag-asa ang manager sa LizQuen fans dahil may bago naman daw seryeng gagawin sina Liza at Quen. “Alam na po ito ng lahat ng cast, lalo na ng LizQuen. Alam kong nabitin kayo sa love story nina Billie at Gabo, kaya hintayin na lamang po ang pagbabalik ng loveteam sa isa pang bagong teleserye. Salamat po, mga Kapamilya!” ang saad ni Ogie.

Matatandaang nagsimula ang Make it with You sa ere noong January pero natigil ang taping nang magkaroon ng enhanced community quarantine last March because of COVID-19 pandemic hanggang sa naabutan na nga ng shutdown ng ABS-CBN.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with