^

Pang Movies

Mayor Goma sumunod sa Presidente!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mayor Goma sumunod sa Presidente!
Ri­chard Gomez

Bagama’t hanggang noong isang gabi ay binabanggit ni Presidente Digong si Mayor Ri­chard Gomez, at nagsabing dapat tanggapin ng mga LGU ang mga nagbabalik-bayang OFWs, aminado naman silang hindi rin basta masisisi si Mayor dahil mayroon din silang sariling protocols, at dahil sa mabilisang kilos dahil sa utos ng Presidente, nagkalituhan nga. Hindi na nasunod ang mga naunang usapan.

Ang iginigiit lang naman ni Goma, bagama’t totoo na may karapatan ang sino man na magbalik-bayan, dahil sa kakaibang sitwasyon ngayon, kailangang pag-ingatan din niya ang 250,000 mamamayan ng Ormoc, dahil mapasukan lang sila ng isang may COVID-19, hindi mo na alam kung ilan ang maaaring mahawa.

Kaya nga ang en­ding, tinanggap naman sila sa Ormoc, dahil gusto na nga ng gobyerno na magluwag naman ang mga quarantine areas sa Maynila, bukod nga sa katotohanang nahihirapan na rin naman silang tustusan ang mga naka-quarantine, ipinatupad pa rin naman ang tamang protocols sa Ormoc para makasiguro na ligtas ang lahat.

Hindi ninyo masisisi si Goma. Talagang naghigpit sila at nagsakripisyo nang mahabang panahon, tapos mapapasukan lang sila ng makakapanghawa sa kanila?

Quo warranto ni Calida wala nang silbi

Sa totoo lang, nakakasawa na ang mga usapan tungkol sa ABS-CBN. Ngayon nauungkat na naman ang quo warranto petition daw ni SolGen Jose Calida laban sa franchise ng network.

Eh kahit na sinong abogado ang tanungin ninyo, balewala na ang quo warranto petition ni Calida laban sa ABS-CBN, dahil ang ipinasususpinde niyang franchise ay expired na. Ano pa ang sususpindihin ng Korte Suprema kung sakali? Iyong expired na franchise? Hindi mo na kailangang ipawalang bisa iyon, dahil wala nang bisa.

Ang dapat na pinag-uusapan ngayon ay hindi na kung anu-anong technica­lity, at kung anu-ano pang problema na mawawalan ng trabaho, dahil kahit na nga iyong mga sugalang hindi naman ipinasasara nagtanggal ng isang libong manggagawa eh.

Ang dapat pag-usapan ngayon ay ang petisyon ng ABS-CBN na sila ay mabigyan ng bagong franchise, dahil expired na ang nauna. Hindi na extention iyan dahil hindi naman maaaring i-extend ang expired na. Kailangan na ng bago.

Hindi ba ang dali namang intindihin niyan?

Batang aktres, hindi na maitago ang pagbubuntis

May isang bata-bata pang female star na sikat naman noong mga nakaraang ilang buwan ang maaaring mapilitan nang umamin na siya ay “on the family way.”

Ok lang sana noong ECQ, dahil maaari niyang ikatuwiran na hindi siya nakikita dahil sa quarantine. Eh ngayon maitatago pa niyang lumalaki na ang kanyang tiyan, ngayong luluwag na ang quarantine?

vuukle comment

RI­CHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with