Alden
Alden nag-display ng abs!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 25, 2020 - 12:00am

May pa-quarantine treat si Alden Richards sa kanyang supporters nang i-post ang photo niyang topless at higit sa lahat, kita ang kanyang six-pack abs. At ang caption ni Alden “Mindset is everything ” na umani ng sari-saring reactions from his supporters and friends.

 Karamihan sa comment “grabe ka,” “lalo mong pinainit ang panahon,” “batak” at ang panalong comment ni Rodjun Cruz na “wasak!” na marami ang nag-agree.

Nag-comment din ang isa sa close friend ni Alden na si Bea Binene ng “GRABE NAMAN TOOO!!! Galeeeenggg” na ipinag-react ng isang netizen na parang gustong palabasin na umeksena na naman si Bea.

Dapat noong April ang great reveal nina Alden at Nadine Lustre bilang endorsers ng Century Tuna, hindi na natuloy ‘yun dahil sa COVID-19, kaya kusa na lang ni-reveal ni Alden ang fit niyang katawan ngayon.

Dahil din pala sa COVID-19, naurong ang launching ng shampoo endorsement nina Alden at Bea Alonzo. Sa Thailand pa kinunan ang TVC nun.

Lovi kinagalitan sa short shorts na may kape

Deleted na ang comment ng isang netizen sa Instagram ni Lovi Poe kung saan, hindi lang niya kinagalitan ang aktres dahil sa post niyang short shorts ang suot. Sinabihan nitong “no decency” si Lovi at mabuti pa raw kung maghubad na lang siya.

Pati ang amang si Fernando Poe, Jr., idinamay ng netizen at ang sabi, anak pa naman siya ni FPJ. Dagdag pa nito, kung ang ibang celebrity busy sa pagtulong sa mga apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, si Lovi, busy sa pagpapakita ng kanyang katawan.

Para siguro wala na lang mag-react pa sa nakakalokang comment, dinelete ‘yun ni Lovi, pero may mga humirit pa. Pinag-iingat si Lovi sa kape na ang mug ay nakapatong sa crotch area niya dahil baka raw matapon at ma-first degree burn ang private part niya.

O, di ba, hindi marurunong mag-chill ang ibang netizens at lahat pinakikialaman pati ang walang malay na kape na ang caption lang naman ni Lovi ay pinipigilan niya ang sarili na kumuha ng another piece of bread para sa kape niya.

Samantala, mukhang miss na nga ni Lovi ang BF na si Monty Blencowe at idinadaan na lang sa pagpo-post ng photos nilang dalawa ang pagka-miss sa BF na nasa Los Angeles, California. 

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with