Mga artistang naglustay ng pera bago ang lockdown, todo pagsisisi ngayon
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

I can feel the anxiety and fear ng mga artista ngayon, Salve, lalo na ang mga walang naipon at hindi nakapag-invest habang kumikita noon ng malaki.

Siguro ang laking panghihinayang nila ngayon sa mga nilustay nilang pera noon, iyong akala mo laging maganda ang trabaho mo at panghabambuhay na nandiyan ang career mo.

Ngayong naging eye opener sa kanila na puwede in one blow, affected ang career nila pati ang source of income nila, shocking reality ang kinakaharap nila.

For some, puwede pang bumangon pero ang iba baka talagang mahirapan na silang makaba­ngon ulit.

Hay, too late for regrets but try hard pa rin.

Showbiz industry malabong mabura

Merong isang expert na nagsabi na sa nangyayari ngayon ay ang posibleng magiging badly hit sa lahat ng industry ay ang tourism at entertaintment.

Pero kung titingnan mo naman ang history, makikita mo na kahit sa panahon ng giyera, nakakatayo pa rin ang showbiz. Kahit na anong panahon, hindi nawala iyong side ng business na hinahanap ng tao ang entertainment.

Hindi ba iyong mga sarzuela at stage play ang ginawang alternative noon para mag-entertain ang tao?

Sure naman na apektado, malaki rin ang magbabago pero hindi puwedeng basta na lang mawala ang showbiz.

Ito ang pinaka-neutralizer para makalimutan ng mga tao ang problema. Imposible rin naman na basta na lang makalimutan ng fans ang mga idolo nila noh.

Affected pero never mawawala, showbiz will always be here with us.

SHOWBIZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with