Bawal Lumabas, may iba’t ibang version!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 20, 2020 - 12:00am

Ang daming version ng “Bawal Lumabas” controversial statement ni Kim Chiu na ginawang kanta. May jazz, rap, RnB, ballad, acoustic, opera at kung anu-ano pang version, may nag-suggest nga na i-compile lahat ng version at i-record at ang madye-generate na pera ay ibigay sa mga apektado ng COVID-19.

May nag-suggest din sa mga kumanta ng different versions ng “Bawal Lumabas” na magbigay sila ng royalty kay Kim dahil kung walang statement si Kim, wala silang kakantahin.  Sana, napanood ni Kim ang lahat ng version at mag-comment siya kung aling version ang top sa kanya.

May nagkagusto sa jazz, acoustic, rap, ballad at love song at nakigaya kami sa maraming nagkagusto sa RnB version.  Ang husay ng mga Pinoy!

Nag-record na rin si Kim ng sarili niyang version at tinulungan siya ni DJ Squammy na dinagdagan ng catchy beat ang kanta ni Kim.

 “Nag-record ako kagabi ng kanta hanggang 3a.m. in the morning para lang magawa ‘tong kantang ‘to at para mabuo lang ‘yung ‘Bawal Lumabas’ so napakagandang lyrics na ginawa ni Adrian, ang ganda no’ng beat. Game ako, this is something nice and positive out of the negative na nangyari noong mga nakaraang araw.” pahayag ni Kim

Nasa chorus ng song ang kanyang viral statement na lahat na yata sumakay at ang verses ay sinulat ng netizen na si Adrian sa tulong ni DJ Squammy.

Suportado si Kim nina Gary Valenciano, Jona, Maja Salvador, Amy Perez, Angel Locsin at iba pang friends ni Kim at kanyang supporters. Waiting sila sa paglabas ng kanyang kanta na Bawal Lumabas.

Gabbi kinilig kay Sharon

Kinilig si Gabbi Garcia sa comment ni Sharon Cuneta sa isa niyang photo posted in her Instagram. Sabi kasi ni Sharon, “I think you are one of the most beautiful!”

Sumagot si Gabbi  ng, “Omg Hi Ms. @reallysharoncuneta! I’m so kilig! Thank you po stay safe always!! My parents and I just re-watched “Caregiver” last night! Hihi!”

‘Katuwa lang na dahil sa sagot ni Gabbi sa comment ni Sharon at nabanggit na muli nilang pinanood ang isang pelikula ni Sharon, pina-follow na siya ng ilang fans ni Sharon sa IG.

Hindi lang si Sharon ang naka-appreciate sa photos ni Gabbi na galing sa Preview magazine dahil nagustuhan din ni Glaiza de Castro at netizens na hindi naman talaga fans ni Gabbi.

Samantala, pinakilig nina Gabbi at BF nitong si Khalil Ramos ang followers sa nabasang “I love you” message ni Khalil na sinagot ni Gabbi ng “I love you!!!”

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with