^

Pang Movies

Mga batang artista, mabilis nang magiging lola ang role

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang isang malaking pagbabago siguro na makikita natin sa susunod ay ang paglimit na sa pagkuha ng mga senior star dahil sila ang mga mas prone sa atake ng virus.

Malaking responsibilidad ng production ang health at pag-iingat sa kalagayan ng senior stars kaya posible itong maging dahilan para magkaroon ng changes sa istorya.

Ang mangyayari ay madaling ga-graduate sa mga mother o lola roles ang mga batang artista dahil sila na ang maaaring kunin for mother and granny roles.

Hindi mo rin naman masisisi ang production dahil malaki ang responsibilidad nila na ingatan ang lahat ng cast at crew sa kanilang mga project.

Well, ilan lang ang mga ‘yan sa magiging pagbabago dahil sa pagiging killjoy ni coronavirus.

Kaloka.

Mga aso relate na relate sa pandemic

Alam mo ba, Salve, siguro ang mga dogs talagang matalino by nature. Parang alam nila kung ano ang nangyayari ngayon sa paligid.

Usually kasi, iyong mga douggie ko hysterical sila pag nandito ako at kasama nila, either ang saya-saya nila o may gustong isumbong. Talagang nakapaligid sila sa akin, at nagtataka siguro sila bakit hindi ako lumalabas ng bahay. Ngayon, basta nagpe-play sila around pero hindi na masyadong maingay.

Talaga sigurong emotionally you get connected with your pets. Their moods swing with you. Pag quiet ka, ganoon din sila, tapos pag they feel na happy ka, ganoon din sila.

Wow, sila talaga ang stress buster mo.

vuukle comment

VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with