^

Pang Movies

Laura suwerte kay Von

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Laura suwerte kay Von

Excited ako, Salve dahil ang inaanak ko sa binyag na basketball player na ngayon na si Von Pessumal ay ikakasal na kay Laura Lehmann.

Ka-team mate siya ni Terrence Romeo at inaanak din siya nila Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.

So proud na isa na siyang sikat na basketball star at dahil hindi ako mahilig sa basketball ay hindi ko na nasundan ang career niya.

Pero ang father niya na si Dr. Pessumal Chandru kino-consider ko na isang good friend na talagang kaisa-isang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa aking mga mata. Iyon Vision City na clinic ni Dr. Chandru ay mga 40 years na sa Cubao, at ganoon din katagal ang aming friendship.

Mabuti at mabait na pamilya ang papasukan ni Laura Lehmann na Miss World Philippines 2017 pala kaya very lucky siya. Kung kasing bait ni Dr. Chandru si Von Pessumal, perfect husband at good father material ang magiging asawa ni Laura.

Best wishes to Von and Laura, a happy together forever life ahead.

Congratulations! 

Mga umaasa sa perang ayuda, nakakaiyak

Iyong madalas kong panonood ng news, at sa nakita kong hirap ng mga tao sa pagpila para lang makakuha ng financial ayuda o SAP na nagkakahalaga ng 5K, 6,500K at 8K ay nagbigay sa akin ng glimpse kung gaano kahalaga ang pera. ‘Yung hirap nila sa pagkuha at pagkatapos ay makita mo yung ngiti sa labi nila pag nakakuha na, medyo jolting.

Sa showbiz you hear stars getting 100K per taping or more , at parang ang dali ng pera. Pero sa pagkakataong ito, parang sa ganito kaliit na halaga, hirap na hirap na silang kunin. Minsan ang ilan sa kanila ay nagiging biktima pa ng mga walang puso na nanamantala sa kanila.

Sa ganoong halaga ganoon na sila kasaya kaya talagang napaisip ako.

From now on, doble na ang magiging respeto ko sa pera, doble magiging sipag ko at mas magiging thankful na ‘ko kay God.

Money is not everything, pero tanggapin natin na ito ang nagpapabago ng buhay ng tao.

vuukle comment

VON PESSUMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with