Jadine walang paramdam sa pagsasara ng kanilang network

Nag-post ng isang throwback photo si Nadine Lustre sa kanyang Instagram account bilang pagbati niya sa 27th birthday ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid noong nakaraang May 11.

Pinost ni Nadine ang isang black-and-white photo nila ni James noong umakyat sila noon sa Mt. Ulap sa Benguet.

Walang nilagay na caption si Nadine sa pinost niyang photo pero isang seedling emoji ang kanyang nilagay.

Sa IG account naman ni James, wala itong nilagay na anumang photo noong mag-birthday siya. Ang huling post ni James ay noong April 30 pa at photo ito ng living room ng kanyang bahay. Ang nilagay niyang caption ay: “Quarantine has been quite meditative for me. A much needed quiet time to reflect and focus on what’s important. Time to break that silence with some music ”

Since nag-break sina James at Nadine noong January 2020, naging tahimik na ang dalawa at walang nakikita ring post nila noong biglang magsara ang ABS-CBN kung saan pareho silang may kontrata.

Pokwang naiiyak pag nagyayayang lumabas ang anak

Hindi raw minsan mapigilan ni Pokwang na maging emosyonal nitong mga nagdaang linggo kapag nakikita niyang mabilis ang paglaki ng bunsong anak niyang si Malia o kung tawagin niya ay si Tisay.

Marami na raw tanong si Tisay sa kanya tulad ng bakit hindi na sila lumalabas para mamasyal sa mall at bawal siyang makipaglaro sa ibang bata.

Minsan daw ay naiiyak na lang si Pokwang dahil hindi niya akalain na sa musmos na edad ng kanyang anak ay mararanasan nito ang makulong lang sa bahay dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine para maiwasan ang mahawa sa COVID-19.

Ini-explain na lang daw ni Pokwang kay Tisay na para hindi sila magkasakit kaya kailangan nilang mag-stay sa bahay pansamantala.

“Minsan naaawa ako sa anak ko. Gusto niyang lumabas para maglaro kasi nami-miss na raw niya mga playmate niya. Kaso, hindi nga pu-wede, di ba? Naiiyak na lang ako minsan dahil hindi ko gustong mara-nasan niya ang ganito. Pero wala tayong magagawa. Ang importante ay napoprotektahan ko silang pamilya ko.

“Magpasalamat na lang tayo kay Lord na buhay tayo, wala tayong sakit at magkakasama kaming lahat sa bahay. Sa ganitong paraan, nakikita ko rin ang paglaki niya. Marami na siyang nagagawa na ikinatuwa namin ng daddy niya,” sey pa ni Pokwang sa online inter-view niya with CNN Philippines.

Sa kanyang Instagram, nag-post pa ng mensahe si Pokwang para kay Tisay: “Minsan nagugulat na lang ako sa bilis ng panahon, ang bilis lumaki ni Tisay ko. Madami na siyang nasasabing salita ngayon, bukas makalawa debut na niya! Kaloka! Basta ang importante lumalaking safe at healthy, ok na ko dun. Lahat talaga ng pwede kong gawin para mapanatag ginagawa ko.”

Show comments