Christopher Cross paralisado kahit gumaling sa COVID

Ang 68-year-old Grammy award-winner American singer-songwriter and musician na si Christopher Cross na siyang nagpasikat ng mga classic songs tulad ng Sailing, Think of Laura at marami pang iba ay gumaling na sa coronavirus (Covid-19) disease pero nagkaroon ng kum­plikasyon sa ibang bahagi ng kanyang katawan kaya hindi siya nakakalakad ngayon. Pero in-assure umano si Christopher ng kanyang mga doctor na siya’y makaka­lad muli pagkatapos ng kanyang therapy.

Nagpasalamat si Christopher sa mga doctor and nurse na nag-alaga sa kanya maging sa mga taong nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.

Ayon kay Christopher, ang pagiging positibo niya ng deadly virus ang pinaka-worst na sakit na kanyang naranasan. Although naka-recover siya, nalulungkot naman siya sa napakaraming nasawi sa mga tinamaan ng Covid-19.

Show comments