Kasal ng anak nina Janno at Bing, naudlot
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

Kasal pala dapat ng anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyssa Gibbs noong April 4 pero hindi natulo dahil nga sa COVID-19.

Si Alyssa naman, nag-post ng video nila ng fiance na si Anton Cruz to commemorate sa dapat wedding nilang dalawa. Si Alyssa sana ang una sa dalawang anak nina Janno at Bing na ikakasal.

Speaking of Janno, may sinulat itong kanta na Dear Quarantine na tungkol sa pagka-stuck sa mga bahay. Maganda ang song na tungkol sa pagkakulong sa bahay na lahat nang nakarinig ay naka-relate dahil totoo ang nasa lyrics na gusto nang makalabas ng bahay at naubusan na nang gagawin.

Jasmine mga alagang aso ang kasama sa birthday

Birthday ni Jasmine Curtis-Smith noong April  6 at parang mag-isa niyang ipinagdiwang ang kanyang 26th birthday at ang two pet dogs lang ang kasama. In one post, nabanggit ni Jasmine that she was to fly to Australi to see her niece Dahlia Amelie at para doon na rin mag-birthday with her family.

Naabutan ng lockdown si Jasmine, hindi na nakalipad pa-Australia at dahil din sa lockdown, hindi nito nakasama sa birthday niya ang BF na si Jeff Ortega. Nag-video call na lang sina Jasmine and her family in Australia.

Ang cute nga dahil si Jasmine na rin ang nag-bake ng kanyang birthday cake at may ipinakita siyang bibingka cake. Hinandaan din siya ng two cakes sa Australia, hindi lang siya nakasamang kumain.

Kabilang si Dingdong Dantes na kasama ni Jasmine sa Descendants of the Sun sa mga bumati sa kanya ng happy birthday. Of course, sa rami ng birthday greetings kay Jasmine, ang birthday greetings ng BF ang pinaka-espesyal para sa kanya. Happy birthday to my bb! I wish you all the best in life. Always dream big and keep your head up. Praying things would get better soon so we can enjoy the outdoors on a beautiful day like in this photo of you and my right foot. Love you lots!” ang birthday greetings kay Jasmine ng BF.                           

ALYSSA GIBBS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with