Sharon naging abala sa mga Darna
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

Para matigil na ang bashing at pagaaway-away ng fans, pinost ni Sharon Cuneta ang photos ng karamihan sa mga aktres na gumanap na Darna.  

Ang ingay kasi ng Instagram (IG) ni Sharon dahil sa pinost niyang Darna picture ni Marian Rivera ng solo at ‘yung Darna photo nila nina Marian at Angel Locsin na si Marian ang nasa gitna. Para sa bashers ni Marian, ang picture ni Sharon ang nasa gitna.

Kaya nag-post si Sharon ng PLEASE PO! Hindi importante ang billing dito o kung sino dapat sa gitna, etc.! May nagmagandang loob lang po pinagsama-sama kaming tatlo.”

May nag-comment pa na dapat kasama si Judy Ann Santos sa Darna photos na pinost ni Sharon dahil mas bagay daw na kasama si Judy Ann. Kaya para wala ng away at diskusyon, pinost ni Sharon ang Darna photos nina Judy Ann at Regine Velasquez.  Ang isyu naman sa iba, bakit wala ang Darna photo ni Vilma Santos at ang iba pang gumanap na Darna.

Speaking of  Sharon, pinost nito ang video kung saan binanggit siya ni Angel Locsin na isa sa donor ng #UniTentweStandPH campaign at may caption na thankyouMs.@reallysharoncuneta.

Masarap pala paminsan minsan nalalaman ng mga tao mahal mo sila... Thanks so much dearest Angel. (P.S. PAMINSAN-MINSAN LANG ako pumapayag na banggitin  ang name ko pag tumutulong...isa dito ay ang pagkakataong ito na malaman ng lahat n gating Frontliners na hindi lang sa social media marunong magpasalamat ang mga artistang tulad namin, kundi sa actual na pagtulong.”

Kapuso stars nag-effort sa get well cards

Nagkaroon ng world premiere kahapon, April 7, ang The Prayer For Generosity performed by some of the GMA Artist Center talents lead by Bianca Umali. Kasama ni Bianca rito sina Crystal Paras, Matt Lozano at Hannah Precillas.

Samantala, gumawa ng get well” cards ang Kapuso talents na sina Max Collins, Pancho Magno, Charles Jacob, Angelica Ulip, Seth dela Cruz at Yasmien Kurdi and daughter Ayesha para sa frontliners ng Quezon City General Hospital.

Hawak ng frontliners mula sa doctor, nurses at iba pang medical workers pati security guards at janitress ang mga card na gawa ng Kapuso artists.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with