LJ hindi makatulog sa stress sa virus
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, LJ Reyes opened up na nakakaranas siya ng stress lately dahil sa nangyayari sa ating bansa.

Sa kanyang Instagram account ay inamin ng aktres na hindi siya napagkakatulog and always trying different ways para makatulog.

It’s been hard. Ako lang ba? Or kayo din? I want to share that I haven’t been sleeping well at night. Honestly, since Summer was born, puyatan naman talaga.

Pero napansin ko since 3 weeks ago, mas di ako makatulog talaga no matter how sleepy I am. And it feels like an everyday battle. Everyday trying different ways to put myself to sleep.

Sabi sakin baka stress. At this difficult time, sabi nila normal. Akala ko di ako nastrestress sa mga nangyayari. But maybe subconsciously, I am feeling it,” ang bahagi ng IG post ni LJ.

Ang nakapapagpakalma raw sa kanya ay pagdarasal.

Pero I have been praying every single day! Every second! And honestly it calms me down,” aniya.

Good thing ay nariyan daw ang partner na si Paolo Contis para patawanin siya.

Kaya rin siguro itong baliw na to yung binigay ni Lord sakin para no dull moments! Kahit pa minsan pagod na ako sa mga jokes nya! Gusto nyo ba kayo naman makarinig ng jokes nya?! kahit na pag ganitong nagtratry ako magselfie tapos bigla syang magpapa-KSP! Sa mga ganitong panahon, kasi worrier ako, narerealize ko bakit sya ang nasa tabi ko!” sey ni LJ.

Sa selfie photo na ipinost ni LJ ay makikita ang photo bomber sa likod niya na walang iba kungdi si Paolo.

Marami namang netizens ang naka-relate sa nararamdamang stress ni LJ dahil sila rin daw ay talagang nag-aalala na sa sitwasyon ngayon sa ating bansa.

LJ REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with