^

Pang Movies

Aktres beki raw ang kahalikan!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-react ang isang close friend ni aktres na ikinuwento ko sa column ko sa Pilipino Star Ngayon.

Kilala raw niya ang guwapong lalaking super close kay aktres. “Hindi niya boyfriend yun. Matagal na niyang sinasama yan sa mga taping niya, kasi closed talaga sila.

“Safe diyan si aktres, kasi may pagkabaklita yan,” tili sa akin ng kaibigan ni aktres na nasa mid-30s na.

Sumasali nga raw ‘yan sa ilang male talent and beauty competition, pero sure daw siyang hindi tunay na lalaki itong guwapong friend ni aktres.

“Hindi ako sure kung may pagkasilahista, pero sure akong hindi sila magsyota dahil magkumare silang dalawa,” dagdag na pahayag nitong kaibigan ni aktres.

Totoong ayaw daw talaga makipagkaibigan ni aktres, dahil parang wala pa raw talaga siyang nakilalang lalaking siseryoso sa kanya.

Tekla mahilig sa disposable underwear

Kinarir ng ASAP Natin’ To ang episode nila kahapon na kung saan nag-perform ang mga artist nila online.

Wala nang nai-replay ang All-Out Sundays kaya Superman na lang ang ipinalabas na naka-tagalog.

Pero ang saya naman ng No-Contact Online Show ng mga taga-AOS na sinimulan ng grupo ng Tap Sikret cast na kinabibilangan nina Paolo Contis, Kakai Bautista, Aicelle Santos, Glaiza de Castro, Betong Sumaya, Super Tekla, Boobay at marami pa.

Nagpasiklab din sa TikTok sina Ken Chan at Rita Daniela, at kumanta rin si Glaiza.

Pero aliw ang palaro nila na pinangunahan ni Paolo na kung saan hinuhulaan kung sino ang mga weird na sikreto, gaya ni Super Tekla na mahilig daw magsuot ng disposable underwear, gawa nang wala raw may naglalaba sa kanila.

Si Kakai na ginawang tissue ang tasty, si Kim de Leon ng Starstruck na humingi raw ng sukli sa collector sa misa.

Masaya ang palitan nila ng tuksuhan, pa-TikTok at mga nakakatawa nilang hirit.

Sabi nga ni Super Tekla, sobrang napagod na raw siya sa kapapahinga.

Patuloy pa rin ang kanilang fund-raising na Buong Puso para sa Pilipino na marami naman ang nagbibigay ng donasyon.

vuukle comment

TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with