^

Pang Movies

Jennylyn nakahanap ng inspirasyon sa bahay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jennylyn nakahanap ng inspirasyon sa bahay

Hindi napigilan na maging emotional ni Jennylyn Mercado dahil sa pag-alala niya sa kanyang yumaong ina na si Mrs. Lydia Mercado.

Dahil sa ECQ o enhanced community quarantine, bigla raw na-miss ni Jen si Mommy Lydia na parating kasama niya noon sa bahay at lagi siyang inaasikaso, lalo na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Pumanaw si Mommy Lydia noong 2016 dahil sa sakit na pneumonia.

Everyday that she is gone, is a day that I miss her even more. She means the world to me. I owe everything that I have now to her. She was the first one to believe in me. I am blessed to have had her in my life. I love you ma!” post ni Jen sa kanyang social media account.

Naging advise ni Jen sa maraming tao na maghanap ng inspirasyon para mabawasan ang lungkot na dulot ng COVID-19 pandemic.  Isa kasi sa inspirasyon ng aktres ay ang kanyang anak ba si Alex Jazz. Sa panahon po ngayon na lahat ay walang kasiguraduhan. Na lahat tayo ay kinakabahan at natatakot. Kada araw ay maghanap tayo ng bagay that we are thankful for na magbibigay inspirasyon sa atin na malagpasan ang crisis na ito,” sey ni Jen na nami-miss na ang magtrabaho sa teleserye nila ni Dingdong Dantes na Descendants of the Sun.

Bianca nanghihingi na rin na tulong

Bilang World Vision Philippines Ambassador for Education, nag-post si Bianca Umali ng Safe Handschallenge sa Instagram kung saan ipinakita niya ang wastong paghuhugas ng kamay. Sinabay na rin ni Bianca ang paghingi ng tulong to raise funds para maka-provide ang World Vision ng mga kailangan ng mga frontliners.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with