Karlo at Martin, lumabas pa ang galing
Hindi ko masyadong nakikita si Secretary Martin Andanar sa TV ngayon. Ang laging napapanood ko ay si Secretary Karlo Nograles.
Parehong cute at magandang magsalita ang dalawa, naiintindihan ang mga ginagamit na salita at very pleasing ang boses at physical looks.
Sila ang nagpapaabot ng mga balita mula sa gobyerno, kaya very pivotal ang role na kanilang ginagampanan.
Lucky si Papa Digong dahil may mga ganitong tao sa paligid niya na nagbibigay ng mga sensible things happening around us. I can say that both secretary Karlo and Martin are doing a good job. Kaya naman mas dapat talaga mas bata na ang mga spokesperson ng gobyerno, mas may energy.
Work from home, solusyon sa traffic
Bongga iyon Zoom technology na ginagawa ngayon sa TV at radio dahil sa social distancing ha.
Talagang ang galing ng bagong norm ngayon ng technology na talagang pinaghirapan ng bawat tv station para lang mapaabot ang mga balita kahit naka-quarantine ang lahat.
So far maayos naman ang takbo kaya enjoy pa rin ang viewers watching it. Ginagawa ng mga teleradyo para halos lahat work from home.
Talagang ang dami ng mga pagbabago na puwede naman palang magawa para hindi ka lumabas ng bahay.
Baka ito na ang matagal na hinahanap na solusyon sa traffic. Imagine mo iyon nababawas na traffic sa kalye pag lahat work from home?
Saka iyon online schooling, hindi ba mas safe ang mga batang gagawa nito?
‘Mas mabuting magbigay, kesa ikaw ang binibigyan’
Gusto ko Salve iyon nabasa ko na ‘when God blesses you financially don’t raise your standard of living, raise your standard of giving’. Sarap isipin na pag binigyan ka ni God ng biyaya, i-share mo kahit konti lang.
Sarap ng magiging pakiramdam mo. At hindi ba, ngayon na halos lahat kailangan ang ventilator para gumaling ka sa sakit, saka mo maiisip na iyon hangin na libre natin nilalanghap ay napaka-importante pala. Ang daming hindi natin pinasasalamatan kay God na binigay niya sa atin, now is the time to give importance to them by sharing and thanking God.
Saka mas masarap iyon ikaw ang may kakayahan magbigay. Let’s do it now.
- Latest