Bong nagdadalamhati sa staff na namatay sa virus!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

Labis na ikinalungkot ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang pagpanaw ng kanyang staff dahil sa CoVid-19. Ang staff na ito ay 30 years na niyang kasama at kaibigan na rin daw niya.

Sa kanyang Facebook account ay ipinahayag ni Sen. Bong ang kanyang pagdadalamhati. “I lost my staff and friend of almost 30 years to this COVID-19 this afternoon. I ask everyone for prayers especially para sa kanyang iniwang mga mahal sa buhay.

Everthing was so fast and sudden. He has been with me mula sa pag-aartista - through the ups and downs, the thick and thin - tapos ngayon wala na siya,” ang bahagi ng post ni Sen. Bong.

Ang pinakamasakit pa nga raw, hindi raw nila magawang bigyan ng huling pamamaalam ang staff. Salamat sa pagmamahal hindi lang sa akin kundi pati sa aking pamilya-asawa, mga anak, at mga apo - lalo na sa mga panahon ng matinding pagsubok hindi mo ako iniwan. Pero ngayon, napakabilis ka namang kinuha sa amin, at ‘ni huling pamamaalam, hindi namin pwedeng ibigay sa’yo. Napakasakit.

We had a good run. I will miss you. It will not be the same,” saad pa ng aktor/politiko.

Kaya naman ang pakiusap ng Senador sa ating mga kababayan ay manatili na lang sa mga bahay at ipinagdadasal din niyang huwag daanan ng kahit sino ang sakit na dinadaanan nila ngayon.

Mga kababayan, napakabagsik ng sakit na ito. At sa pagdapo nito kung kanino, daig pa ang napakatalas na punglo na babaon sa puso ng mga nagmamahal sa›yo.

Dalangin kong huwag na mapagdaanan pa ninuman ang sakit na pinagdadaanan namin ngayon. Please, please - stay at home. Bantayan ninyo ang inyong mga sarili at mga mahal sa buhay.

Sa awa ng Panginoon, nawa ay matapos na ang pinagdadaanan nating ito,” pagtatapos ni Sen. Bong.

Nakikiramay kami kay Sen. Bong at sa pamilyang naulila ng kanyang staff.

Wendell isinara muna ang bahay sa mga bisita

Ayon sa Kapuso actor na si Wendell Ramos, no visitors allowed muna sa bahay nila ngayon. Ito ay para maprotektahan hindi lang ang sarili kungdi ang buong pamilya niya sa CoVid-19. I make sure that me and my family practice proper hygiene. We wash our hands thoroughly, use alcohol and facemasks and stay at home. If possible, no communication with people from the outside. No visitors allowed as of now. I also help in cleaning and sanitizing every part of the house,” pahayag ni Wendell sa email interview.

Para hindi ma-bore, aniya ay pinapanatili niya ang kanyang pagiging productive kahit nasa bahay. Ano ang unang-una niyang gagawin kapag nawala na ang CoVid-19?

The very first thing I would do is pray and go to church with my family.”

Sa ngayon, as we all know ay tigil muna ang taping ng Prima Donnas na serye niya sa GMA-7 at nagpapasalamat ang aktor sa magandang feedback ng mga netizens sa kanyang karakter bilang si Jaime Claveria.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with