^

Pang Movies

Pia confident pa rin kahit may pandemic

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pia confident pa rin kahit may pandemic

Nakikipagtulungan ngayon si MNakikipagtulungan ngayon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach with the World Health Organization para sa pagkalap ng donasyon sa COVID-19 Solidarity Response Fund.

May hashtag ito na #UniverseUnited na posted sa kanyang Instagram account.

Makakapag-communicate din ang maraming kababayan natin sa pamamagitan ng pag-upload ng kanilang video para magkuwento ng kanilang paraan kung paano mag-ingat sa panahon ngayon ng global pandemic.

Heto ang post ni Pia:

“Mag upload po tayo ng mga videos ng mga kwento natin. Kamusta na kayo? Anong pinagkakaabahalan niyo sa bahay? Ano pong payo na gusto niyong maipamahagi? Kayo ba ay frontline worker o naka self quarantine po ba kayo? May mga makakapanood ng videos niyo kaya anong payo ang gusto niyong ipamahagi sa kanila? 

“Napakalaking tulong din po kung makakapag bigay tayo ng donasyon para sa mga nangangailan. Mayroon pong paraan na magagawa niyo ito online through the COVID -19 Solidarity Response Fund c/o the World Health Organization. Ang link po ay nasa bio ko. Sa tulong niyo po, marami pa tayong matutulungan.”

Stepdad expired na, ina ng Crazy Rich... star nakikipaglaban din sa COVID

Nagluluksa ngayon ang Crazy Rich Asians and Superstore star na si Nico Santos sa pagpanaw ng kanyang stepfather dahil sa COVID-19.

Pinost ng Fil-American actor sa kanyang social media account ang photo ng kanyang stepfather na si Sonny kasama ang kanyang ina na si Tita.

Ang pinakamahirap daw ay yung hindi niya nakita for the very last time ang kanyang Tito Sonny dahil pinagbabawal ito. Hindi rin daw niya mayakap ang ilang family members dahil sinusunod nila ang social distancing. 

“My Tito Sonny passed away yesterday after losing his battle with COVID-19. He was a kind, caring man. Friendly to a fault. He always greeted strangers walking past him with a chipper Good Morning and a big smile. He had a great laugh that filled the room with joy.

“The loss of my stepfather is devastating but what has gutted me is that this pandemic has kept my family apart.

“We were unable to be with him during his last days. I can’t hold my mother as she mourns her husband. I can’t hug my brother as he contemplates a world without his father. I can’t wipe away the tears from my nephews’ eyes as they wonder why their Lolo Sonny isn’t here anymore. Rest in peace Tito Sonny. I love you,” caption pa ng aktor.

Ang ina rin pala ni Nico ay nakikipaglaban din ngayon sa COVID-19 pero hindi na ito pinasok sa ospital.

Humiling ang aktor ng dasal para sa kanyang buong pamilya.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with