Vice ayaw nang pumatol sa mga nega!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

Kalmanteng sinagot ni Vice Ganda ang isang basher na minura ang kanyang music video ng bago niyang kantang Corona Ba-Bye Na! released few days ago.

Ipinost ng basher sa Twitter ang music video at nag-comment ng “P…ina ano to” kaya naman hindi napigil ni Vice ang sarili’t sinagot ito. “Shhhhhhhh! Wag ngayon please. Walang maitutulong yung grabeng hate mo. Your hate wont do any good. God bless you. Stay safe,” sagot ni Vice.

Sa thread ay marami ang pumuri sa comedian/TV host sa kanyang edukadong sagot. Komento nila, mabait daw talaga si Vice na minura na, pero concerned pa rin ito sa kanyang basher.

Kung may mga namba-bash ay marami rin naman ang nagandahan at naaliw sa bagong awitin ni Vice.

In fact, umaabot na nga sa mahigit 600 thousand ang views nito sa YouTube since its release on March 22.

Komento ng netizens, stress-reliever at comic relief ang kanta ni Vice na kailangang kailangan natin sa panahon ngayon.

Sharon nagbigay ng inspirational message

Sa gitna COVID-19 pandemic, isang inspirational message naman ang ibinahagi ni Sharon Cuneta para sa mga mamamayan. She urged everyone not to lose faith and hope dahil aniya ay malalampasan din natin ito.

“Sa nangyayari sa mundo ngayon at mahirap man tumingin sa positibo o kahit magkaroon ng pag-asa, kailangan natin gawin at magkaroon ng mga ito upang ngumiti at huwag na huwag papayag mawalan ng pag-asa mula sa ating paggising hanggang sa pagtulog.

“Darating din ang umaga uli para sa ating lahat. Matatapos din ito. Pilipino tayo, madami nang pinagdaanang malulupit na panahon dulot ng bagyo, baha, lindol, bulkan, at kung ano-ano pa.

“Siguro masyado nang mabilis ang ating mundo...baka nakalimutan na natin ang tunay na mahahalaga sa buhay...at karamihan sa atin, bukod sa ating mga kababayan na araw-araw kailangan magtrabaho para may maiuwing pagkain sa kanilang mga minamahal na pamilya, ay di nakakakita na halos lahat pala ng kailangan natin ay nasa atin na. Nakalimutan lang natin makuntento.

“Higit sa lahat, nakalimutan na siguro nating tumawag sa Panginoon kahit wala tayong problema o kinakailangan. Nagpapaalala lang ang ating Ama. Kapit lang. Magtulungan tayo. Walang iwanan. Kaya satin dumadating ang dalubyo kasi sobrang galing nating mga Pinoy. Mahal ko kayong lahat.

“Tumulong tayo sa mga walang paraang makakuha ng makakain sa araw-araw,” ang bahagi ng mensahe ni Sharon posted in her Instagram account.

Hinikayat din niya ang lahat ng tulungan ang ating mga frontliners.

“If you don’t have to go out, stay home and take advantage of this time with your family and don’t forget time for yourself. PRAY. May God bless us all! Love and tight hugs from all of us at our home,” ang pahayag ni Shawie.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with