Eat Bulaga hosts nanibago na walang audience!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 13, 2020 - 12:00am

Pare-parehong naninibago ang hosts ng mga show na may live audience. Unang nakaranas nito ang mga host  ng Eat Bulaga dahil simula noong Monday, March 9, ay wala na silang audience at ipinaliwanag nga ni Bossing Vic Sotto na pinag-usapan iyon ng TAPE management, para nga maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, gawa ng napakaraming tao sa studio.

Sa palagay ba nila makakaapekto sa rating nila ang pagkawala ng live audience?

“I don’t think so,” sabi ni Paolo Ballesteros na isa rin sa hosts ng nasabing show. “Baka nga mas tumaas ang ratings namin dahil nasa bahay lahat ang mga manonood, kaysa iyong nasa studio sila at dito nanonood. Nakakapanibago lang na wala kaming ka-interact dahil walang tao sa napakalaki at napakalamig naming studio. Pero natsa-challenge kami dahil mas kailangan naming pagbutihin ang pagho-host namin para makapagbigay kami ng saya sa mga nanonood sa kani-kanilang bahay, here and abroad.”

Sabi naman ni Pia Guanio, tuluy-tuloy pa rin silang magpapasaya sa televiewers at sa napupuntahan nilang mga barangay na limited lamang ang mga taong pinapayagang makalapit sa kanila.

Nanibago rin si Alden Richards nang mag-taping siya ng Centerstage last Wednesday na konti lamang sila sa Studio 7 ng GMA Annex na super-lamig din daw at sila-sila lamang ang nandoon. Mapapanood ang episode na ito sa Sunday, March 15, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Kung napapanood pa ngayon na may live audience ang Wowowin ni Willie Revillame, dahil naka-advanced na sila ng taping ng episodes this week.

Elijah Alejo dinipensa ang pagiging maldita

At 14, si Elijah Alejo na ang pinakabata pero very effective kontrabida. Sa kabila nga ng katarayan niya bilang si Brianna sa top-rating Afternoon Prime drama series na Prima Donnas. Araw-araw ay pinakukulo niya ang dugo ng mga sumubaybay sa serye lalo na kapag tinatarayan niya ang mahusay na actress na si Katrina Halili as Lilian, at ang tatlong donnas na ginagampanan nina Jillian Ward (Mayi), Althea Ablan (Ella) at Sofia Pablo (Lenlen).

“Sa serye lang po ako mataray as Brianna,” sabi ni Elijah nang mag-renew siya ng contract sa GMA Artist Center last Monday, March 10. “Pero sa set po, hardwork ng buong Prima Donnas team ang ginagawa po naming lahat para makapagbigay kami ng interesting at exciting story sa mga manonood. Kaming apat bonding po kami sa aming tent pero kapag eksena na kami, kanya-kanya na kami. 

“Thankful po ako na kahit bina-bash ako sa katarayan ko sa show, hindi po naman sila nagagalit sa akin kapag nakita nila ako sa labas. Kahit po ang teachers ko sa school ‘Brianna’ na rin ang tawag sa akin.”

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with