^

Pang Movies

Nathalie ayaw nang maging hubadera!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Nathalie ayaw nang maging hubadera!

Ngayon ang alis ni Nathalie Hart pa-Japan para sa shooting ng isang Viva Films movie.

Kahapon, pina-interview muna siya sa entertainment press ng manager niyang si Leo Dominguez para  i-promote ang tatlo niyang pelikula, ang Pakboys with Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla at Jerald Napoles, ang Kunwari Mahal Kita with Joseph Marco and Ryza Cenon at ang Steal (‘yung isu-shoot nila sa Japan).

Masaya rin si Nathalie dahil ‘yung Sunday Night Fever digital movie nila ni Diether Ocampo na ini-stream sa iWant app ng ABS-CBN ay maganda rin ang viewership.

“Thankful ako na marami akong work. Gusto ko talaga ito, na mag-artista pa rin, kahit may anak na ako,” sabi niya.

Ang one year old daughter na si Penelope ang priority ni Nathalie at next ang career niya.

Ang love life, wala na raw muna. Ok lang daw na wala munang lalaki sa buhay niya.

Pero ikinaila naman niya na nagkaroon ng physical abuse kaya sila naghiwalay ng tatay ng anak niya.

Verbal abuse, yes daw, pero magkasundo naman daw sila ngayong hiwalay na sila. Friends naman daw sila at palagi naman itong umuuwi ng bansa para dalawin ang anak nila.

Ang cultural differences ang isa sa naging problema nila ng nasabing lalaki na taga-India.

Sabi ni Nathalie, hindi na niya mahal ang tatay ng anak niya. Hindi na raw muna niya kailangan ng lalaki sa kanyang buhay.

Pagdating naman sa kanyang career, gusto ni Na­thalie na mas makilala siya bilang aktres kesa sa isang sexy star.

“In the future, mas gusto kong magdrama sa mga pelikula ko kesa magpa-sexy,” sabi niya.

Snooky biyaheng Porto Filmfest

Ngayon ang alis ni Snooky Serna papunta sa Portugal.

A-attend sa isang film festival sa Porto si Snooky para sa pelikula niya na pang-Mother’s day na In the name of the Mother.

Wala raw magiging problema sa taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, ang primetime series niya sa GMA 7 dahil noon pa raw niya naipaalam ‘yon.

Nakunan naman daw ng advance ang mga eksena ni Snooky sa nasabing show.

Ngayon pa lang ay excited na ang aktres na pumunta ng Portugal.

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with