Lovi, Marco at Tony kinakarir ang pagpo-promote sa pelikula

Lovi, Marco at Tony

Kahit holiday kahapon, hindi pa rin nag-holiday sina Lovi Poe at Marco Gumabao dahil rumatsada pa rin sila sa promotions ng pelikula nilang Hindi Tayo Pwede.

Sa Market! Market! sa BGC (Bonifacio Global City) naman sila nag-mall show kahapon.

In fairness, ang tindi ng promotions ng Hindi Tayo Pwede.

Matindi ang awareness sa pelikulang ito ng Viva Films na showing na sa March 4.

Inaasahan nga na magiging blockbuster hit ang pelikulang ito na pinagbibidahan din ni Tony Labrusca.

Julia namana ang husay sa action ni Coco

Nag-rate kaagad ang 24/7 action series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Julia Montes.

Excited ang fans ni Julia sa television comeback niya.

Bagay siyang maging action star like her rumored-boyfriend Coco Martin.

Tamang-tama na action series din ang next show niya sa Kapamilya network, ang Burado, kung saan kapareha niya si Paulo Avelino.

Malapit na nilang simulan ang taping ng Burado.

Sarah hands on sa kasal

Kahapon ay ka-text ko si Sarah Lahbati.

Ang kasal nila ni Richard Gutierrez on March 14 ang topic ng usapan namin.

Nasa bahay lang siya kahapon kasama ang nanay niyang si Esther Lahbati at future mother-in-law na si Annabelle Rama.

Abala raw sila sa pag-aayos ng invitations sa kasalang ‘yon.

Inaayos din daw nila ang sitting arrangement.

“Fixing sitting arrangements also. So busy today,” sey ni Sarah.

In fairness, personal talagang inaasikaso ni Sarah pati ang sitting arrangements sa kasal nila ni Richard.

Ang bongga!

Pelikula nina Janine at Paulo may bagong title

Ang official teaser launch kagabi ng Ngayon Kaya movie nina Paulo at Janine Gutierrez.

If We Don’t Make It ang dating title ng Ngayon Kaya.

Show comments