Coco ayaw ng gulo!

Sa halip na sagutin si Robin Padilla ay mas inuna ni Coco Martin ang pagsuporta sa problema ng prankisa ng kanyang home network, ABS-CBN. Dumalo at nakiisa ang aktor sa daan-daang empleyado ng network na sumama sa rally and prayer vigil held last Friday night.

Sa nasabing rally and prayer vigil ay nagbigay ng napakagandang mesahe si Coco.

Aniya, “hindi ko hahayaan na isang araw ma­gising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, ng maraming empleyado, na nagbibigay sa’min ng hanapbuhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala na lang nang bigla.”

Sinabi rin ng aktor na hindi sila naghahamon or naghahanap ng gulo kundi para manalangin at humingi ng tulong.

“Nandito kami para ipakita na nagkakaisa kami, hindi para maghanap ng gulo o maghamon sa kahit anumang laban. Nandito kami para humi­ngi ng tulong para ipanalangin na sana, bigyan ng linaw ng kalooban, ng pag-iisip ang Senate, ang lahat ng mga bumubuo ng mga dapat magbigay ng prankisa para sa ABS-CBN,” aniya.

Sinabi rin ni Coco ang kahalagahan ng malayang pagpapahayag at hindi raw dapat ito pinipigilan.

Habang nagsasalita si Coco ay ramdam na ramdam mo sa kanya ang sinseridad at emosyon sa nangyayari ngayon sa kanyang mother network.

Nag-viral ang statement na ito ni Coco at inirepost ng mga kapwa-artista’t mga empleyado ng ABS-CBN. Isa sa nakita naming nagbigay ng kanyang papuri ay si Karen Davila.

Ani Karen, “hats off to Coco Martin! That is a powerful statement. This is why it is important for our actors/actresses to speak up about freedom of press and expression. Saludo sa mga artista para sa bayan!”

Isa pang post ni Karen, “hanep Coco Martin (applause emoticon). Napakaganda at napakalinaw ng sinabi sa ABSCBN rally,” at idinugtong ang statement ni Coco.

Ayon naman sa isang netizen, “Coco Martin’s live statement on TV Patrol just now regarding ABS-CBN’s franchise renewal. We felt that. I hope a lot more celebrities with that kind of influence speak up so everyone would be aware of the injustice that’s happening.”

Bukod kay Coco ay nakiisa rin ang iba pang mga Kapamilya celebrities sa naturang pagtitipon-tipon tulad nina Jericho Rosales, Yassi Pressman, Ro­well Santiago, Jaime Fabregas, Angel Aquino, John Pratts, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Joel Torre, atbp.

Kaliwa’t kanan ang memes

Kaaliw ang memes ngayon sa ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine. Ang term nga sa kanya ngayon ay “divine intervention” at nag-trending pa sa twitter ang hashtag na ito. Biro ng isang netizen, ito raw ang official hashtag sa kasal nina Sarah G. at Matteo Guidicelli.

Needless to say, katakut-takot na pamba-bash ang nararanasan ngayon ni Mommy Divine dahil nga sa pagiging ‘wedding crasher’ niya sa kasal ng sariling anak.

Naikukumpara siya tuloy ngayon sa stage mothers din sa showbiz na si Mommy Pinty, ina nina Toni and Alex Gonzaga.

“Bigla kong minahal si Mami Pinty nila Toni, strict yet understandable and considerate. I can imagine the strong side of Sarah G. coming up to a decision of her civil wedding without informing her mom, all because of love,” komento ng isang netizen.

We wonder kung nababasa at nakikitang lahat ni Mommy Divine ang memes niya at ang pamba-bash sa kanya ng netizens at ano kaya ang reaksyon niya.

Show comments