_pang-masa
^

Pang Movies

Locations ng Parasite at Crash Landing... atat puntahan ng mga Pinoy

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Locations ng Parasite at Crash Landing... atat puntahan ng mga Pinoy

Pero takot pa sa virus

Bukod sa film locations ng K drama na Crash Landing On You, isa pang gustong pasyalan ng mga K fanatic (like me) ay ang locations ng award winning Korean movie na Parasite.

Kaya lang, ‘yun palang ginamit na bahay ng dalawang pamilya ng mayaman at mahirap na semi-basement apartment at architectural marvel ay ginawa lang para sa pelikula.

Ayon sa story ng CNN, marami namang mga lugar sa South Korean na halos kapareho ng napanood sa best picture ng Oscars na puwedeng puntahan ng fans at magpakuha ng souvenir photos.

Besides may mga ibang eksena naman daw sa ibang locations ang puwedeng pasyalan.

Kaso nga, dahil sa coronavirus, takot ngayong mag-travel ang karamihan.

So hintayin muna nating humupa ang virus na ‘yan bago lumarga sa pictorial ng Crash Landing... at Parasite.

Ang mga K drama ang mas nagpapalakas sa Korean tourism.

Pokwang nag-first day na sa #mommyissues

Nag-start na si Pokwang ng shooting para sa pelikula niyang #MommyIssues for Regal Entertainment.

Kasama niya sa movie sina Sue Ramirez, Jerome Ponce and Channel Morales.

Mother’s Day offering ng Regal ang #MommyIssues.

Pero mauuna munang ipalabas ang pelikula ng Regal na Us Again starring RK Bagatsing and Jane Onieza na mapapanood beginning February 26 in cinemas nationwide.

In all fairness sa Regal, kahit nga medyo mahina ang kita sa box office ng mga pelikula lately, walang planong mag-give up ang Regal sa pagpo-produce. Mas naging active pa nga sila.

Trending naman sa Netflix ang Cuddle Weather nina Sue and RK Bagatsing na naging official entry ng Regal sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

PARASITE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with