Everyday Valentine kina Kim at Xian
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

Ang picture nila ng girlfriend na si Kim Chiu na pinost ni Xian Lim kahapon sa kanyang Instagram account (@xianlimm).

Caption ng aktor, “Not about Feb 14. It’s about celebrating each day and every single moment with you @chinitaprincess.”

Siyempre, kilig-kiligan ang KimXi fans.

Ang sweet!

Pops at Martin iniilusyon pa rin na magkakabalikan pa

Ang sold out first night at kick-off ng 7-night Two-gether Again concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera sa The Theater at Solaire kagabi.

Pati mamayang gabi ay sold out na rin ang tickets para sa nasabing concert.

Puwede pa namang makabili para sa February 17, 18, 19, 20 at 21.

Sobrang saya nina Pops at Martin na “mabiling-mabili” pa rin sila sa kanilang loyal fans kahit nauwi nga sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Ang maganda sa ex-couple, the best of friends sila.

Mahihirapan siguro ang mga fan na tanggapin ang paghihiwalay nila kung magkaaway ang ex-couple.  At least, magkasundo silang dalawa.

Siyempre, may ibang Pops-Martin fans pa rin na umaasang in the end ay magkakabalikan ang dalawa.

Hindi maiiwasan sa mga fan na mag-isip at umasa ng ganoon.

Si Annabelle Rama nga na fan nina Pops at Martin, ilang beses ba ring sinasabi sa dalawa na sana ay magkabalikan pa sila.

Marco ninakawan sa taping

Ninakawan ng wireless earphones ang Viva Artists Agency talent na si Marco Gallo kama­kailan.

Pinost ni Marco sa kanyang Instagram story ang tungkol sa pagkakanakaw sa kanyang gamit.

Sinabi ng young actor na mahahanap din niya ang nagnakaw ng kanyang wireless earphones o kung hindi man, karma na ang bahala sa taong ‘yon.

Inusisa ko ang VAA handler ni Marco na si Mhit tungkol doon.

Sa taping daw ng ginagawang series ni Marco naganap ang nakawan at dahil maraming tao doon, ayaw naman daw nilang basta magbintang!

Maraming mga istorya ng mga artistang nawawalan ng gamit sa mga shooting at taping.

Amanda page sexy at sweet pa rin!

Ang dating sexy star na si Amanda Page sa Urth Caffé sa Beverly Drive, Beverly Hills kahapon.

Nakipagkita sa akin si Amanda nang malaman niyang nasa Los Angeles, California ako.

Super sweet pa rin si Amanda at super sexy kahit may asawa’t anak na. Sabi niya, naaalala pa rin niya ang mga miyembro ng entertainment press na naging mabait sa kanya noong nag-aartista pa siya.

Malayo si Amanda sa ibang mga artista ngayon na dahil sa sobrang pagmamahal at bilib sa kanilang social media accounts ay parang balewala na sa kanila ang nagagawang magaganda ng entertainment press sa kanilang mga showbiz career.

‘Yun na!

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with