Xia gustong mag-alaga ng 10 aso

Xia

Type raw sana Salve A., ng child actress na si Xia Vigor na mag-alaga ng at least, 10 dogs.

Mahilig daw kasi siya sa aso. Happily, her mom is all for it too. Pero ito ang problema, bawal sa tinitirhan nilang condo unit ang mag-alaga ng kahit anong hayop.

Ito naman ang suggestion namin kay Xia at sa kanyang mommy. Magsipag si Xia sa kanyang trabaho, nang sa ganun ay makabili siya o makapagpatayo ng sariling bahay. This way, lahat ng klase ng hayop na kanyang gustong alagaan ay magagawa na niya.

Beauty wini-wish na maulit pa ang ‘big break’ sa KG

Beauty Gonzales’ wish is for her to be able to do ­another series, where her role will be as powerful as the one she portrayed sa kanyang malapit nang matapos na teleseryeng Kadenang Ginto. At sana rin daw, ang makatrabaho niya ay kasing galing din ng co-stars niya tulad nina Dimples Romana, Richard Yap, Adrian Alandy at Albert Martinez.

Sa totoo lang daw, kahit ang mga young star na kilala na ngayon bilang The Gold Squad ay nagpakitang gilas, and these are Andrea Brillantes, Seth, Kyle Echarri at Francine Diaz.

Siyempre gusto rin niya magagaling na direktor na tulad nina John Lapuz at Avel Sunpangco.

For her performance as Romina in KG, Beauty was awarded a trophy, courtesy of a prestigious award giving body.

Carla at Tom bumili na ng pagtatayuan ng dream house nila!

Wala pang tiyak na planong magpakasal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana pero they already shared in buying a lot in an exclusive village, where they will, in time, build their dream house.

On her own, alam naming nakapagpatayo na si Carla ng bahay na balak niyang iparenta. For additional income nga naman, she said.

Busy at the moment si Carla with a new series, where she has for co-star si Tom, titled Love Of My Life. The series has started airing February 3.

She plays a single widowed mother na na-inlove sa isang mayaman at binatang arkitekto, played by Tom. However, matutuklasang may malubhang sakit si Tom.

Lalong naging komplikado ang sitwasyon nang pumasok sa eksena ang dating girlfriend nito na gagampanan naman ni Rhian Ramos, na pinaboran ng ina ni Tom played by Coney Reyes naman.

Love Of My Life is the comeback teleserye both nina Coney at Rhian na matagal nang hindi napapanood sa small at big screen.

Rhian for a time, ay sa abroad tumira. Coney, as we all know, ay kasalukuyang pumapapel bilang first lady ng Pasig City, kung saan ang mayor ay ang kanyang anak na si Mayor Vico Sotto na anak niya kay Vic Sotto.

Ina Alegre masuwerte sa pulitika

Remember Ina Alegre in her time as an actress and former beauty queen, described by entertainment writers na sexy, yet disente.

Well, Ina, whose real name is Jennifer Mindanao-Cruz, is now Mayor of Polo, Oriental Mindoro.

She is married to PNP Brigadier Gen. Gilberto Cruz.

Two of Ina’s memorable film, if you recall, were Mumbaki in 1996 and Bala noong 2008.

Show comments