Take it... naging pamilya na
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 5, 2020 - 12:00am

Iyon weekly Salve na pagkikita-kita natin nila Cristy Fermin at Mr. Fu sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) sapat na rin siguro ang oras para maging close ang grupo sa isa’t isa. Si Mr. Fu nakasama ko na noon sa Tweetbiz sa GMA 7, si Cristy naman as editor ko at writer niya ako sa ilang magazine na hinawakan niya. Pero siyempre iba ang bonding na magkakasama kayo sa loob ng halos dalawang oras, minsan isang linggo ng regular at inabot na nga ng isang taon. One year anniversary na ng Take It... Per Minute! (Me Ganun), as always pulos tawanan ang nangyayari sa tuwing magkikita-kita tayo lalo na kahapon na naging guest sina Pilita Corrales at Eva Eugenio.

Magaan ang trabaho, magaan ang feeling , para bang addict na rin tayo sa presence ng bawat isa na minsan isang linggo. Sabi ko nga holy hour na ang 12 to 1 ng tanghali every Tuesday dahil sa TIPMMG, puwede magtagal pa ng more years, pero iyon formative na mga unang araw ng pagsasama natin unforgettable na para sa ating lahat. Bonded na tayo, like brothers and sisters , we are now Family. Thank you sa lahat ng suporta, salamat talaga.

Kaya sa mga hindi pa nakakapanood ng show namin, laging paalala ni Mr. Fu, i-like, follow at share ang Pilipino Star NGAYON Facebook page.

Hahaha. Bongga.

Thank you Papa Miguel Belmonte sa suporta. Sana minsan pasyalan mo naman kami para ma-chika.

Kim blooming na blooming!

Nagkaroon pala ng very dreamy na birthday shoot   si Kim Domingo para sa ika-25 niyang kaarawan at shinare niya ito sa kanyang social media account. Parang manika ang peg ni Kim sa nasabing photoshoot at marami ang pumuri sa kanyang look! Umulan ng “Dyosa” at “Gorgeous” sa comments section ng Instagram post ni Kim.

Binati rin siya ng kanyang fellow Kapuso stars na sina Arra San Agustin, Dianne Medina, Megan Young, Kris Bernal, Ruru Madrid, at Primetime Queen na si Marian Rivera.

Malapit na ring mapanood muli si Kim sa TV ngayong taon sa upcoming GMA program na Lolong, kung saan makakatrabaho niya sina Ruru Madrid at Sanya Lopez.

Happy birthday, Kim!

May alam akong kuwento na ‘di ko sasabihin. Hahaha.

Jennylyn walang kapaguran

Sunud-sunod ang projects ni Jennylyn Mercado pero hindi mo siya makikitaan ng pagod. Walang tigil ang aktres sa pagpo-promote ng pagbibidahang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun kasama  si Dingdong Dantes.

Excited na si Jen na mapanood ng viewers ang pinaghirapan nilang proyekto ng ilang buwan. Nais na rin niyang malaman ang feeback ng netizens sa kanyang pagganap sa role ni Beauty.

Tutukan ang pilot episode ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad ngayong February 10!

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with