Ibang mga artista iwas muna sa beso-beso!

Nakatakdang i-reschedule ang pagdiriwang ng Panagbenga Festival na ginagawa tuwing Pebrero. Dahil sa coronavirus, kinansela ang pagsisimula nito kahapon, Pebrero 2.

Ayon sa ilang Baguio residents nang makausap namin nang pumasyal kami last Friday and Saturday, one month naman daw ang selebrasyon.

‘Yun nga lang, naapektuhan din ang negosyo ng nagpapaupa ng transient homes dahil kinansela ang reservations sa kanila ng aakyat para masaksihan ang festival.

Halos lahat ng mga tao sa Baguio, residents man o hindi, nakasuot ng facemask. Pati nga roon, nagkakaubusan ng facemasks, huh!

Sa malamig na lugar daw nabubuhay ang mga virus, huh!

As of this writing, may report na ng first case ng novel coronavirus sa bansa na namatay dahil sa virus. Isang 44 years old male Chinese. Kasama siya ng babaeng Chinese mula sa Wuhan, China na confirmed positive din sa virus.

Natuwa ang broadcast journa­list na si Karen Davila sa utos ni President Rodrigo Duterte base sa pahayag ni Senator Bong Go ng temporary travel ban ng lahat ng bisita galing sa Mainlad China, Hong Kong at Macau.

“President Duterte did it. Senator Bong Go announces that PH is implementing temporary travel ban on all visitors coming from Mainland China, Hong Kong and Macau amind the threat of the novel coronavirus,” tweet ni Karen.

Samantala, maging si Marian Rivera ay todo proteksyon din sa mga anak lalo na sa panganay na si Zia. Sinusunod niya ang payo mula sa health authorities tungkol sa pag­huhugas ng tama sa kamay at pagsuot ng facemask.

‘Yung ibang artista naman, iwas muna sa mga beso-beso na matagal nang tradisyon ng paraan ng pagbati sa showbiz.

Direk Joey tinataguan ng mga kapitbahay na Chinese

Napraning ang isang kapitbahay na Chinese ni direk Joey Javier Reyes nang makita siya days after ng Chinese New Year celebration. Iniwasan kasi siya nang makita.

Namigay ng fruit cake si direk Joey sa mga kabitbahay na Tsino last Christmas ayon sa tweet niya.

“I’m sad. We have Chinese neighbors in the village. I gave the fruitcake last Christmas but they didn’t give me tikoy for their New Year.

“When the dad saw me, he rushed back inside the house and asked his son, ‘Did he see us?’ Wala kang fruit cake this year!”

Show comments