^

Pang Movies

Ibang-iba kay Anne Jasmine walang hilig sa Koreanovela

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sumalang si Jasmine Curtis Smith sa audition para masungkit ang character na Moira sa Philippine TV Adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

Eh sa trailer ng series, isinapuso ni Jasmine ang role niya bilang girlfriend ni Rocco Nacino na pilit inilalayo ng ama niyang mataas ang ranggo nilang military.

Pero pag-amin niya, hindi siya mahilig sa Koreanovela ‘di tulad ng Ate Anne Curtis niya.

“Itong Descendants of the Sun lang ang series na napanood ko. To do some research for my character. Other than that, wala na,” saad ni Jasmine sa mediacon ng DOTS.

“I think I have a flavor na talagang maa-addict. Eh knowing myself kapag nagkagusto ako sa isang bagay. Kaya okay na hindi ako masyadong nagwa-watch ng Koreanovela,” diin ng Kapuso actress.

Sa mediacon, nanood ang ilang opisyales ng Armed Forces of the Philippines na apbrubado ang mga eksena sa unang episode na mapapanood sa February 3.

Ipinakita rin ang hirap sa training ng male cast led by Dingdong Dantes at Rocco Nacino na halos masuka-suka sila sa hirap!

“Gusto ko sanang sumuko eh pero tuloy ang mga kasama ko kaya nabuo rin ang friendship naming Alpha Team. Worth it naman ‘yung gutom namin sa training dahil na-apply naman naming ‘yon sa mga eksenang aksyon,” sey ni Rocco.

vuukle comment

JASMINE CURTIS SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with