Ruffa maraming gustong ipagawa sa bagong partner
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

Sa presscon ng Love Thy Woman held last Friday ay natanong ang female cast kung paano ba nila gustong mahalin ng kani-kanilang “man.” Si Ruffa Gutierrez ang unang sumagot at ang ganda ng kanyang sagot, pang-Miss Universe.

“I really feel whole as a woman. So, if I have a man in my life, it’s not for him to complete me, but it’s for him to just add joy in my life. He has to love my children, he has to respect my career and he has to give me space. I don’t want anyone so clingy.

“Coz I’m a very independent woman, hindi rin siya puwedeng seloso. So, lahat ng mga ginawa ng ex ko, kailangang ma-erase ‘yun sa buhay ko ang kailangan ngayon, bagong-buhay na, kasi happy na ako on my own,” pahayag ni Ruffa.

Paos nga ang boses ni Ruffa sa presscon dahil may sakit siya pero hindi raw niya puwedeng i-miss ang event since this is her first teleserye under Dreamscape Entertainment after 10 years. Ang last daw niya sa unit ni Deo Endrinal ay I Love Betty La Fea pa.

“So, I’m back and I’m so happy that they welcomed me with open arms,” she said.

Sa trailer pa lang ay makikita na ang pagbibigay-importansiya kay Ruffa ng Dreamscape dahil siya ang finale with matching one-liner na “it’s time for my son to know his father” na nag-i-imply na may revelation ang kanyang karakter.

Pero ayaw i-reveal ni Ruffa kung isa ba siya sa mga kabit dahil kailangan daw panoorin. Kung sino ang anak niya, ‘yun ang isa pa ring aabangan for sure.

Ani Ruffa ay sobrang excited daw siya when this was offered to her dahil nga stellar cast mula sa kanyang henerasyon hanggang sa young generation.

At puring-puri raw ng kanyang amang si Eddie Gutierrez si Kim Chiu na nakasama nito before sa Ina, Kapatid, Anak.

“Hangang-hanga siya (Eddie) sa husay ng pag-arte ni Kim. Hindi pa kami nagkakaroon ng eksena rito pero naku, hinahanda ko na ang sarili ko,” sabi ni Ruffa.

Lately lang din daw niya nakasama si Yam Concepcion at nakita rin daw niya agad na mahusay itong aktres.

Ang Love Thy Woman ang pagbabalik-tambalan nina Kim and Xian Lim sa telebisyon matapos ang The Story of Us noong 2016. Magsisimula na ang serye sa Feb. 10 sa Kapamilya Gold. Kasama rin dito sina Sunshine Cruz, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla and Christopher de Leon.

Klea nagkumpisal ng depression at self-doubt

Tulad ng karakter ni Klea Pineda sa Magkaagaw ay may struggles din pala ang Kapuso actress na nalampasan na rin naman niya.

Ikinuwento ni Klea sa 24 Oras ang kanyang challenges na pinagdaanan. Inamin niyang nagkaroon din siya ng depression at self-doubt.

“Ang daming challenges na dumating sa akin. Dumating sa point na gusto ko nang mag-change ng career. Kasi baka, sabi ko kay Lord, ‘Lord, bigyan mo ‘ko ng sign kung dito talaga ‘ko,” pahayag ni Klea na hindi napigilang maging emosyonal.

At dumating nga raw sa buhay niya itong Magkaagaw teleserye.

“And then, binigay Niya sa ‘kin ‘to, yung Magkaagaw. And then yung pinanghahawakan ko na, ‘May plan ka sa ‘kin,’ sabi ko sa Kanya,” sey pa ni Klea.

Kaya malaki raw ang pasasalamat niya sa Magkaagaw lalo pa nga’t sobrang challenging ang role niya bilang Clarisse na iniwan at niloko ng asawa na ginagampanan naman ni Jeric Gonzales.

Sa huli ay nagbigay ng payo si Klea sa mga taong dumadaan din sa depresyon at self-doubt.

“Kailangan mahalin mo yung sarili mo, bago mo gustuhin na mahalin ka ng mga tao. Ikaw lang yung sobrang nag-o-overthink. Sobrang dapat iniiwasan mo yun. Kailangan pansinin mo kung ano yung magagandang nangyayari sa buhay mo,” ang payo ni Klea.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with