Alden
Alden nilulubos na ang taping
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

Ratsada sa taping ni Alden Richards. Sa kanyang tweet yesterday morning, “Day 2 of 5. Good morning!”.

Bale kasi nagsimula ang five days na tuluy-tuloy na taping niya last Monday, January 20, hanggang Friday ng The Gift at isasabay ang pagsisimula ng taping niya ng iho-host niyang children musical program na Centerstage.

Last three weeks na lamang mapapanood ang The Gift, at excited na ang mga netizens na malaman kung maililigtas ba ni Sep (Alden) ang nanay-nanayan niyang si Straw (Jo Berry) na kinidnap ni Javier (Christian Vasquez). 

Sa direksyon ni LA Madridejos, napapanood ang The Gift gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice.

Gabbi pinagkaguluhan sa Taiwan

Na-miss ng kanyang fans sa All-Out Sundays last January 19 si Gabbi Garcia. Iyon pala nagpunta siya ng Taiwan para sa isang special project na gagawin niya roon. Tuloy, excited na ang  avid fans ni Gabbi na malaman kung ano ang special project na iyon.

Based sa mga photos na pinost ni Gabbi sa kanyang Instagram wall, binisita ni Gabbi ang popular tourist spots sa Taiwan. 

Sa pag-iikot ni Gabbi roon, na-meet niya ang Taiwanese fans niya at pumayag siyang magpa-picture sa kanila. May kinalaman kaya ang biyahe ni Gabbi sa bagong project niya sa GMA Network or isa na naman itong endorsement na doon niya isu-shoot?

Back to work na si Gabbi dahil nasa finale week na ang kanilang drama-action series na Beautiful Justice. 

Bago nga umalis si Gabbi papuntang Taiwan, maghapon pa silang nag-taping ng serye sa Tagaytay City last Friday kaya nagulat siya nang nasa Taiwan na siya last Sunday na nagkaroon ng Taal Volcano Eruption nang araw na iyon. 

May separation anxiety na rin si Gabbi dahil magtatapos na nga ang Beautiful Justice kung saan guma­ganap sila na PDEA agents nina Yasmien Kurdi at Bea Binene.

“Mami-miss ko ang closeness namin ng cast sa taping with Gil Cuerva, Derrick Monasterio, Victor Neri, Valeen Montenegro, Bing Loyzaga and others,” sabi ni Gabbi.

“Marami kasi kaming natutunan sa serye naming ito, mag-action, mag-drama. Sabi ko nga ready pa rin akong gumawa ulit ng serye na mag-aaction ako dahil sa natutunan ko sa Beautiful Justice.”

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with