Alex, virgin na ikakasal?!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

Masayang-masaya ang respective families nina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa recent engagement ng dalawa na itinaon sa ika-32nd birthday ng social media star, singer-actress-comedienne at celebrity endorser na si Alex.

Nagtipun-tipon ang respective families nina Alex at Mikee sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa kaarawan ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga at doon na rin inihayag ang engagement nina Alex at Mikee pagkaraan ng tatlong taon nilang relasyon bilang magkasintahan. Sa Hongkong nag-proposed si Mikee last December at noon lang birthday ni Alex ibinalita sa social media.

Mahalaga ang naging papel ng Kapamilya hunk actor-producer na si Piolo Pascual kina Alex at Mikee dahil siya ang nagpakilala sa dalawa na pareho niyang kaibigan.

Humingi ng tulong si Mikee sa kaibigang si Piolo na ipakilala sa kanya si Alex na matagal na umano niyang crush.  Since then ay hindi na nilubayan ni Mikee sa panliligaw kay Alex hanggang maging kasintahan niya ito after seven months.

Bukod sa kanilang respective families and friends, masayang-masaya ang big sister ni Alex na si Toni Gonzaga sa kanyang nakababatang kapatid and best friend dahil alam niyang magiging masaya ang pagsasama nila ni Mikee who is a good person. Si Mikee ay isang konsehal sa Lipa City, Batangas at nagmula sa isang pamilya ng mga negosyante.

Virgin nga bang ikakasal si Alex?

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with