Luis at Alex sanib-pwersa sa bashers!

Alex

Ceasefire muna sina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa biruan nilang asaran sa Twitter. Nagkasundo ang dalawa sa pagbira sa mga basher na judgmental sa celebs na tumutulong sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Nauna nang nakatikim  ng bashing si Luis kaugnay ng negosyo sa face masks pati ang pagpo-post niya.

Sa totoo lang, maraming natatanggap na tweets si Luis na humihingi ng tulong sa ilang bayan sa Batangas. Just like her mom, Congresswoman Vilma Santos-Recto, busilak ang puso ni Lucky sa pagtulong sa nangangailangan.

Andi bumibenta pa rin sa pelikula

Magbabalik-pelikula na si Andi Eigenmann. Ibinalita niya ito sa kanyang Instagram.

Mixed emotions ang ipinahayag niya sa Instagram. Iiwan kasi niya ang house nila sa probinsya at maiiwan niya ang bunsong anak na si Lilo.

Isang buwang mawawalay si Andi sa pangalawang anak pero blessing na rin dahil madalas niyang makakasama ang panganay na si Ellie.

At least, mabenta pa rin sa movies si Andi, huh!

Show comments