Ate Vi
Ate Vi nasa Baguio nang magwala ang Taal volcano, mga staff laging handa na sa pamimigay ng relief goods
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

Minsan hindi naiintindihan ng mga tao kung ano ang functions ng kanilang government officials, kaya may nangangantiyaw pa kay Congresswoman Vilma Santos na mukhang wala daw ginagawa. May nagsasabi pang mukhang nagtatago siya. Kasi raw na-interview na lahat ng mayors ng mga bayan ng Batangas pero siya wala pa.

Ang hindi naiintindihan ng mga nagtatanong nang ganoon ay ang katotohanan na iyang risk and disaster management ay tungkulin ng local government. Trabaho iyan ng local executives kaya sila ang nakaharap talaga sa problema. Ang congresswoman, ang trabaho niyan ay legislative o ang gumawa ng batas. Pero ang totoo hindi rin nagpapabaya si Ate Vi.

Kaya lang ang tulong ay pinadadaan niya sa mga local governments, sa mga mayors na siyang nangangasiwa ng relief operations.

“Wala namang nakakaalam na puputok ang Taal, kaya kami, inaamin ko naman, nag-celebrate kami ng birthday ni Ralph (Recto) sa Baguio. Pero noong itawag sa amin noong Sunday na pumutok nga ang Taal, nagbigay agad ako ng instructions sa staff ko, na alam naman ang gagawin. Tapos nagbalik kami agad, kaya nasa Batangas na kami ngayon.

“Noong governor pa ako ng Batangas, inilagay ko na sa ayos ang relief and rehabilitation program namin, at kahit na hindi na ako ang governor, na-maintain namin iyan. Iyong staff ko, alam na nila kung anong gagawin, kung saan sila kukuha ng goods. Kasi lalo na nga ako, bilang isang artista may mga ginagawa akong mga commercial endorsements. Kasama lagi sa deal ko na kung may kailangan sa Batangas lalo na kung ganyang kailangan ng relief operations, donor naman sila. Kaya lagi kaming may nakahandang mga gamot, alam mo naman kung saan galing.

“Ngayon may cup noodles na rin kaming ready lagi. May gatas kami. Marami iyan eh, sa mga ine-endorse ko lang. At saka may stand by funds ako, personal funds iyan, para sa mga ganyang bagay. Kaya nga noong dumating kami sa Batangas, may mga report na kung saan-saang bayan na kami nakapagpadala ng relief goods. Iyong bahay namin sa LPL compound, alam naman ninyo iyon. Iyon din ang local office ko sa Lipa, at nandoon din ang operation center namin para sa ganyang mga bagay, “ pagkukuwento ni Ate Vi.

Kung minsan iyan ang hirap noong tumutulong ka nang tahimik lang, kinakantiyawan ka pang nagtatago.

Tatay ni Jolina hindi inasahan ang pagsabog ng bulkan

Sinasabi ni Jun Magdangal, ang erpat ni Jolina na damang-dama nila ang mga lindol, at maya’t maya ay may bumabagsak na mga volcanic rocks, at amoy sulfur ang hangin sa kanila sa Tagaytay. Naroroon kasi ang restaurant business ni Jun, ang Memory Lane.

Hindi niya siguro inisip na mararanasan nila ang ganyan dahil kung iisipin nga naman, lalawigan na iyon ng Cavite. Pero apektado sila ng pagsabog ng Taal.

Pero malakas ang loob niyang si Jun eh. Sanay naman iyan sa business. Siguro nga maiistorbo lamang ang negosyo niya ng ilang araw pero walang problema iyan sa kanya.

Gay politician biglang naawa sa aktor na naapektuhan ng pagsabog

‘Tumawag daw sa isang gay politician ang isang male star at nagsabing affected na rin siya ng Taal Volcano eruption dahil sa kanyang negosyong itinayo. Sinabi pa niyang iyon lang ang inaasahan niya ngayon para sa pamilya niya dahil hindi naman maganda ang takbo ng kanyang career.

Mukhang naawa naman ang gay politician at nangako yata ng tulong sa male star. Ibig bang sabihin noon, magkakabalikan na rin sila?

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with