Luis
Luis nanupalpal ng netizen tungkol sa N95 masks
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

Pinatikim ng talak ni Luis Manzano ang isang netizen kaugnay ng tweet ng TV host-actor sa presyo ng N99 or N95 masks.

Sa sumunod na tweet ni Luis, hindi sila nag-hoard o nagtaas ng presyo dahil sa bulkang Taal.

Eh tweet ng netizen, “Actually you did take advantage for the thought na nagawa pang mag market ng products nyo ang ngumawa jan sa twitter nang away k pa ng mga tao instead of extending your help.”

Buwelta ni Luis, “Ineng, hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto makita – very good rin.

“Ang kaya lang kase ng utak mo social media, di mo gets na may buhay sa likod ng lahat na to. 2020 na kami, nasa 19tanga ka pa.”

Tiklop ang netizen sa reply ng boyfie ni Jessy Mendiola.

Kim, emosyonal sa nangyari sa Taal

Throwback ng picture ni Kim Chiu sa Tagaytay last 2017 sa inilabas niyang photo sa Instagram.

Inalala ni Kim na nu’mg time na ‘yon kasama niya ang kanyang team at sumakay sila sa kabayo para makarating sa crater ng Taal volcano.

Ayon sa post ni Chinita Princess, tahimik lang ang komunidad at unforgettable ang experience nilang ‘yon.

“But seeing what’s happening right now, makes me wonder where are they now? How are the people? Are they being rescued?

“How about the more than 500 horses? That played a big role to all the tourists? Are they still alive?

“So many questions in my mind right now? All we want for all of them t be safe…wherever we ate right now, let’s pray for all the people in taal and living near taal and also the horses, animals to be safe, may the good Lord cover them in safety and protection.

“We can’t control nature…but anything can be possible through prayers,” saad ni Kim.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with