^

Pang Movies

Maja naihi sa closeness nina Joshua at Janella

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maja naihi sa closeness nina Joshua at Janella
Joshua at Janella

Looks like may “something beautiful” nang namamagitan between Joshua Garcia and Janella Salvador dahil sa post ng aktor sa kanyang Instagram account last Sunday.

Nag-post si Joshua ng larawan nila ni Janella na kuha mula sa performance nila sa ASAP Natin ‘To para sa promo ng pagtatapos ng The Killer Bride.

Sa caption, the actor wrote, “I am lucky to have a friend like you.”

Umani ng katakot-takot na “likes” at comments ang naturang post at nangunguna nga sa comment section ang pangalan ni Maja Salvador na co-star nina Janella at Joshua sa The Killer Bride.

“@garciajoshuae beber naiihi na naman ako. hi! emma @superjanella,” komento ni Maja.

Ikinatuwa ng fans ang comment ni Maja dahil feeling nila ay pinu-push ng aktres sina Janella at Joshua.

May nagtanong naman kung “friends” lang ba talaga sila at ang daming nag-wish na sana ay sila na lang.

Pero siyempre, may mga basag-trip na netizens na nagko-comment na JoshLia pa rin daw sila na team-up nina Joshua at Julia Barretto.

Pero in fairness, may chemistry rin sina Janella at Joshua, huh! Kabahan na ang JoshLia fans dahil heto na ang JoshNella!

Yam handa na sa Plan B at Plan C ng Kapamilya

Hindi naman natatakot si Yam Concepcion sa pangamba ng lahat ng Kapamilya stars and employees na baka mawalan na sila ng trabaho once hindi na-renew ang franchise ng ABS-CBN na sinasabi ngang hanggang Marso na lang.

Mas worried daw siya sa employees na pwedeng mawalan ng trabaho pero alam naman daw niyang may plan B ang network.

Tulad ng iba, she just hopes na i-renew ni Pres. Rodrigo Duterte ang lisensiya

“I hope, makita ni Duterte sa puso niya na maraming mawawalan ng trabaho kung hindi niya mare-renew at how it will really affect the lives of the people, so, ayun, tingnan natin,” pahayag ni Yam nang makatsikahan namin siya sa presscon ng horror movie niyang Night Shift.

May ginagawang teleserye ngayon si Yam sa ABS-CBN, ang Love Thy Woman with Kim Chiu and Xian Lim at may isa pa nga raw siyang naka-line-up na gagawin under Star Creatives.

Wala pang airing date ang mga nasabing serye pero if worse comes to worst, may mga ibang platform naman daw ang ABS-CBN para ipalabas ang mga ito.

“May mga digital na ngayon, so pwedeng gawin ‘yung Love Thy Woman internationally, mga ganu’n. So, mada­ming mga plan B, plan C, plan E, mga ganu’n,” sey pa niya.

Samantala, ang Night Shift ang unang pagsasama ni Yam at ng katukayo niyang direktor na si Yam Laranas. Noon pa pala ay dream na niya itong makasama sa isang project kaya ganu’n na lang ang pasasalamat niya nang kunin siya nito sa nasabing horror film.

Last year pa nila sinimulang gawin ang Night Shift at idinasal niyang sana raw sa 2020 ay makagawa ulit siya ng movie with Yam.

Natupad na nga agad ang wish niya dahil inanunsyo ng direktor na may gagawin pa silang isang pelikula ng aktres this year.

Showing na ngayong Jan. 22 ang Night Shift hatid ng Viva Films.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with