JC at Bela, hanggang pelikula lang, malabong magkagustuhan

Nakakatuwa ang pagpo-promote ni JC Santos ng Pre-Valentine’s Day movie nila ni Bela Padilla dahil ang sabi, “Siya ulit. Ako ulit. Oo. Masakit ulit” na ang tinutukoy ay ang Viva Films movie nilang may title na On Vodka, Beers and Regrets sa direction ni Irene Villamor. Showing ito sa February 5.

Tapos, ang teaser na pinost din ni JC ay magkatabi sila ni Bela sa bed na parehong nakangiti. Kaya ayun, excited na ang fans ng dalawa na muli silang mapanood na magpakilig at magpatawa.

Sinagot pa ni Bela ang post ni J.C. na sila ulit at sabi ni Bela, “dahil gina­lingan mo dito, aabangan ko haahaha.”

Sa rami ng ginawang pelikula nina Bela at J.C., hindi maiwasang matanong sila kung wala bang na-develop sa kanila? Si Bela palang ang sumagot, wala raw talagang romantic involvement sa kanila ni JC dahil sa simula pa lang, malinaw na friends lang sila at magkatrabaho at swerte na may chemistry at tinatangkilik ng tao ang bawat pelikula na kanilang gawin.

Idagdag na rin natin na laging “taken” si JC kapag nagkakatrabaho sila ni Bela, eh si Bela, matagal nang single. Saka, hayaan natin silang magkaibigan at magkatrabaho na lang at baka mag-away pa kung nasa in a relationship sila.

Ruru at Bianca pansin ang sexual attraction

Active ang Kapuso fans sa pagre-request kay director Mark Reyes kung sino sa Kapuso stars ang gusto nilang makasama sa Voltes V Legacy. May nagbanggit sa mga pangalan nina Ruru Madrid at Bianca Umali, ‘wag daw sayangin ang strong sexual attraction ng dalawa kapag nasa screen.

Panahon na raw para pagsamahin ang dalawa sa teleserye at kung wala pang material ng teleserye para sa kanila, dito sa Voltes V Legacy  na sila pagsamahin.. Binanggit na rin ng fans kung anong roles ang babagay sa dalawa na kapag sinunod daw ng network, lalong sisikat at mamahalin sina Ruru at Bianca.

Isa pang request ng fans ay isama rin sa Voltes V Legacy si Miguel Tanfelix, pero ‘wag silang gawing love triangle nina Ruru at Bianca at wala rin naman yatang love triangle  sa story ng anime series.

Alex join sa concert nina Jennylyn at Dennis

Kung nabasa ni Alden Richards ang post ng pasasalamat ni Jennylyn Mercado, siya pa ang mahihiya na napili siyang isa sa 12 guests sa concert nila ni Dennis Trillo dahil aminado naman ang aktor na hindi siya singer. Saka, tumatanaw din ng utang na loob si Alden dahil naging mabait sa kanya si Jennylyn at Dennis, kahit hindi pa yata niya nakakasama sa teleserye ang dalawa?

Anyway, 12 na nga at hindi na lang 11 ang guests sa concert nina Dennis at Jennylyn na kinabibilangan ng Kapamilya na sina Carlo Aquino, JK Labajo and his band, at Alex Gonzaga. Na-curious tuloy ang fans nina Dennis at Jennylyn dahil kaibigan daw pala nila si Alex.

Kapamilya rin ang director ng concert na si John Prats na gumagawa na rin ng pangalan sa pagdidirehe ng concerts. Dalawa na sila ni Paolo Valenciano na active na sa concert directing.

Also, guesting sa concert maliban sa aming mga nabanggit sina Janno Gibbs, Kim Molina, Jerald Napoles, Nyoy Volante, Nar Cabico, Nico Antonio, Juan Miguel Severo at Jay Durias. Ang nakalagay na producer ng concert ay ang GMA, Quantum Films at ang Becky Aguila Management. Afford na afford ang ticket na from P5,000, P3,500 , P1,200 at P800. Ang aabangan namin ay ang rakrakan number ni Dennis with the Juan Karlos Band.

Show comments