^

Pang Movies

Bayad sa sinehan madugo para sa ordinaryong tao

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., nagulat ako last Sunday (Dec. 29) ng hapon na hindi gaanong marami ang tao sa mga sinehan ng Robinson’s Galleria kung saan ko dinala ang nakatatanda kong kapatid na si Mana Meriam, ang dalawa niyang anak na sina Lorena at Glenda Esperas at mga apo na sina Kevin, Kyle at Khyla.  Nang malaman nilang napanood ko na ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach sa isang special screening, nagyaya ang aking mga kasama sa movie nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang The Mall, The Merrier. Since hindi numbered ang seats at first-come first served basis  ang upuan,  nagdesisyon kaming pumasok ng sinehan ng 5:15 p.m. sa pag-aakala namin na punuan ang sinehan na pinaglalabasan ng pelikula.  But to our surprise,  hindi man lamang kami umabot ng 50 sa loob ng sinehan  considering that it was a Sunday.  Hindi rin daw ganoon karami ang mga taong nanonood sa ibang mga pelikula na kalahok sa ongoing Metro Manila Film Festival.

Nanibago rin kami sa movie tickets dahil P320 na pala.

Bakit kaya tamad ang mga tao manood ng sine? Dahil kaya sa long weekend at karamihan sa kanila ay out of town or out of the country o dahil mahal na ang ticket sa mga sinehan?

While we were waiting para sa aming scheduled screening, nagmeryenda muna kami matapos manood ng sine na umabot ng halos P5,000 dahil pito kami kaya medyo malaki ito para sa amin.

Since wala kaming season pass, 100% ay pay kami ng tickets except na may 20% discount kami ng ate ko dahil pareho na kaming senior citizens. Pero kahit hindi namin lahatin ang walong pelikulang kalahok sa ongoing Metro Manila Film Festival, medyo madugo ito para sa isang ordinaryong katulad namin. But just the same, pipilitin naming makapanood ng kahit apat na pelikula man lamang.

Kaganapan sa showbiz ngayong 2019

Huling araw na ngayon ng Disyembre at ng taong 2019 at bukas ay simula na ng Bagong Taon 2020. Pero bago natin salubungin ang Bagong Taon ay  atin munang balikan ang mga kaganapan sa showbiz ngayong 2019.

Sinimulan ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang taong 2019 nang isilang ang kanyang second child pero una sa kanyang partner ngayon, ang actor na si Paolo Contis. Isinilang ni LJ si Summer Ayana habang ang kanyang panganay na anak na si Ethan Akio ay anak niya sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Ipinagluksa naman ng magkapatid na Rodjun at Rayver ang maagang pagyao ng kanilang inang si Beth Cruz nung February 2, 2019 dahil sa pancreatic cancer.

Nung February 7, 2019 ay muling nag-renew ng kanilang wedding vows ang mag-asawang Michael V. at Carol Bunagan na ginanap sa Amanpulo, Palawan.

Sumakabilang-buhay naman ang komed­yanteng si Bentong (Domingo Vusotros Brotamante, Jr.) nung February 9  sa edad na 55 sa kanyang hometown sa Tabaco, Albay dahil sa kumplikasyon sa kanyang sakit na diabetes. 

February 21, 2019 naman in-announce ni Korina Sanchez-Roxas ang pagkakaroon nila ng kanyang husband na si dating Sen. Mar Roxas ng fraternal twins na sina Pepe at Pilar sa pamamagitan ng surrogacy.

Nung February 23 ay sumakabilang-buhay ang indie actor na si Kristoffer King (Christopher Reyes) sa edad na 36.  Kinabukasan, February 24 ay isinilang naman ng dating Sexbomb dancer-turned Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan ang first baby nila ng kanyang husband na isa ring Kapuso actor na si Arthur Solinap na si Shiloh.

It was on March 5, 2019 nang yumao ang tinaguriang Queen of Jazz na si Annie Brazil sa edad na 85 dahil sa pneumonia.  Three days later  on March 8 ay sumunod namang namaalam ang komedyanang si Marie Barbacui, ang tinaguriang `dakilang alalay’ ng maraming veteran actors at kasama na rito ang yumaong Comedy King na si Dolphy.  Sa kaparehong araw ay sumakabilang-buhay din ang assistant director na si Allan Noble at ang comedian na si Romeo `Boyong’ Baytion.  Kinabukasan, March 9, 2019 ay sumunod naman ang singer-comedian na si Chokoleit (Jonathan Aguilar Garcia) na nagka-heart attack habang ito’y nagpi-perform sa isang out of town event.  He was 46.

vuukle comment

BAGONG TAON 2020

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with