Claudine nagpa-party para sa classmates ng mga anak

Claudine, Santino

Ang bongga ni Claudine Barretto.

Kahit na nga sinasabing wala siyang work sa kasalukuyan, pagdating naman sa mga anak niya gene­rous ang actress na maituturing na inactive ang career sa kasalukuyan.

Nagpa-Christmas party siya sa lahat ng classmates nina Sabina at Santino sa isang international school sa bahay nila sa Quezon City.

As in super bonding daw ang magkapatid sa mga kaklase nila na may pa-photo booth at may pa-fireworks pa.

Obvious din na oki naman sila ng ex husband niyang si Raymart Santiago dahil dumaan daw ito sa nasabing exclusive Christmas party ng mga bata.

Wala pang natutuloy na project si Claudine sa kasalukuyan. Ang comeback movie sana nila ni Piolo Pascual diumano’y malabo nang matuloy.

Show comments