Lorin
Ka-edad ni Lorin!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

Ay, Ateng Salve, ang bongga at nagse-celebrate ang PM (Pang-Masa) ng 16th anniversary, meaning, sweet 16 na ang very love nating tabloid, huh!

Nakaka-happy naman!

Parang si Lorin Gutierrez lang ang Pang-Masa dahil ang panganay ni Ruffa Gutierrez, nag-celebrate rin ng kanyang Sweet 16 kamakailan.

So, congrats sa ating lahat na bahagi ng Pang-Masa, of course, lalo na sa readers natin na very loyal for the last 16 years, ‘noh?!

Ruffa mas naisip ang pinagsamahan nila ni Gretchen

Friends are asking me — ano raw ba ang reaction ni Ruffa sa accidental encounter ng nanay niyang si Annabelle Rama at ni Gretchen Barretto na nam-bash sa kanya sa Instagram account nito dahil sa very innocent (like a Sweet 16?) comment niya na “Fresh!” sa Instagram picture ni Julia Barretto?

Well, after ng pangyayaring ‘yon, ikinuwento ko kay Ruffa ang lahat ng mga pangyayari sa Chinese restaurant kung saan naganap ang hindi sinasadyang pagkikita’t pag-uusap ng nanay niya at ni Greta.

In fairness kay Ruffa, kahit naman no’ng time na stressed siya dahil sa pinost ni Gretchen tungkol sa very innocent comment niya ay wala naman siyang naging violent reaction. Marahil ay dahil may pinagsamahan naman sila ni Gretchen.

Saka mas maganda naman na bati-bati na ang lahat, ‘di ba?

I’m sure, kung sina Ruffa at Gretchen naman ang magkakaroon ng accidental encounter, wala rin namang magaganap na tarayan sa pagitan nila!

Sweet Sixteen ni Ate Vi malakas maka-LSS!

Ay, dahil sweet 16 celebration ngayon ng Pang-Masa, bigla akong nagpaka-nostalgic at naalala ko ang Sweet Sixteen song ng Star for All Seasons na si Lipa City Representative Vilma Santos-Recto.

Parang kailan lang ‘yon na napakabata pa ni Ate Vi at hindi pa nga siya ina-“Ate” ng marami.

Alam mo, Ateng Salve, parang biglang tumutugtog sa aking isipan ang Sweet Sixteen song ni Ate Vi, kaya binalikan ko ‘yon sa YouTube.

In fairness, kahit hindi naman talaga singer si Ate Vi, parang nakaramdam ako ng kasiyahan habang pinakikinggan ang kanta niyang ‘yon.

Parang nae-LSS (last song syndrome) nga ako sa kanta niyang ‘yon.  ‘Yun na!

LORIN GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with