^

Pang Movies

Alden naghahanda sa malaking concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden naghahanda sa malaking concert
Alden

Marami ang na-curious sa photo nina Alden Richards at TV and concert director Paolo Valenciano na naka-post sa Instagram (IG) ni Paolo. Dagdag sa curiosity ang caption ni direk Paolo na “First time ko!” at walang ibang sinabi.

Tapos sumagot pa si Alden ng “Excited direk”.

Pero, ang mga nakabasa sa short convo nina direk Paolo at Alden, nanghula agad na para sa concert ni Alden ang pagkikitang ‘yun ng dalawa. May mga tsika kasing may gagawing concert next year ang actor at baka ‘yun na nga ang kanilang pinag-usapan. Sa Concha’s Garden Cafe Restaurant ni Alden sa Quezon City ang sila nag-meeting.

Speaking of Alden, nasa IG Story nito ang pasasalamat sa natanggap na award mula sa Anak TV Makabata Awards 2019. Dagdag na motivation ito kay Alden na mas sipagan pa ang trabaho, lalo na ang taping ng The Gift kung saan, ang pinaka-latest guest sa teleserye niya ay ang best friend niyang si Baste.

Matt umiiwas sa basher ng asawang inaresto

Maganda ang ginawa ni Matt Evans na i-set sa “comments on this post have been limited” ang comment box ng kanyang Instagram (IG) para masala ang mga nagko-comment. Baka nga naman kung sino na lang at kung anu-ano na lang ang i-comment sa nabalitang kaso at pagkahuli sa asawa niya.

Buong IG ni Matt, naka-set ng ganu’n ang comment box, hindi lang kami sure kung matagal na niyang ginawa ‘yun o ngayon lang after sa balita sa wife niya. Protekta na rin sa mga anak nila na marami pa naman ang pictures sa IG niya.

Sa isang latest post ni Matt sa IG, quotation card na nakasulat ang “Find Your Peace. The World Can Be A Cruel Place” ang nakasulat.

Winwyn panay ang balik sa Korea

Kasama si Winwyn Marquez sa cast ng iWant series na Beauty Queens. Kinabibilangan nina Ms. Gloria Diaz, Maxene Medina, Ross Pesigan, Nelia Dizon ang mga kasama ni Winwyn.

Hindi kami sure kung may kontrata pa sa GMA Artist Center si Winwyn o pinayagan siya ng GMAAC na tanggapin ang project sa iWant TV dahil hindi naman sa ABS-CBN ang airing.

Anyway, mabuti at tinigilan na si Winwyn nang bashing ng mga walang magawa at pilit pa rin siyang idinidikit sa ex niyang si Mark Herras. Tama nga naman si Winwyn na pareho na silang masaya ni Mark na GF ngayon si Nicole Donesa.

Kung walang trabaho sa showbiz, busy sa pagta-travel si Winwyn at sa kanyang latest post, nasa South Korea  na naman ang dalaga.

Julie Anne pasok sa DOTS

Wish granted ang supporters ni Julie Anne San Jose na siya ang mapili ng GMA 7 na kumanta ng theme song ng Descendants of the Sun dahil siya nga ang napili ng network to sing the theme song titled You Are My Everything.

Speaking of Julie, natupad ang wish nitong maka-duet si Jose Mari Chan at ang original composition pa ni Jose Mari na Christmas In Our Hearts ang kanilang kinanta na isa sa favorite Christmas song ni Julie.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with