Pia tinangging ginastusan si Marlon

Pia

Klinaro ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang isyu na ginastusan niya ang ex boyfriend na si Marlon Stockinger bago siya lumipad ng Japan kahapon ng umaga.

“It’s true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear-Marlon and his family never depended on me financially. This will be my only statement on the matter. Thank you for your support,” sabi ni Pia na nasa Japan para sa kanyang programang Post Card.

Sinasabi ngang si Siwon Choi ng sikat na K pop group na Super Junior ang bagong manliligaw ni Pia.

Nathalie Hart inamin na ang hiwalayan nila ng ama ng kanyang baby

Inamin na ni Nathalie Hart na hiwalay na nga sila ng ama ng kanyang bagong panganak na baby.

Sa interview ni tito Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda sinabi nitong personal differences ang dahilan.

Sa kasalukuyan daw ay nasa healing process pa siya.

Mutual din daw ang naging hiwalayan nila. “There’s no unity in the relationship and I wanted to be respected. I wanted to be loved the way I love that person. Gusto ko ganun, pero hindi ‘yun ang nakikita ko. He is the father of my child I love him, and that’s it for now,” sabi niya sa interview.

Matagal nang nababalitang hiwalay na nga sila pero ito ang first time na inamin niya ang nangyari sa kanila.

Marami kasi ang nagtaka nang bumalik siya ng bansa na hindi kasama ang tatay ng kanyang super cute na baby.

Show comments