Tirso
Tirso naghihintay na ng apo
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Habang mayroon nang mga manugang at mga apo sina Christopher de Leon at Edgar Mortiz, Boyet and Bubot to friends, sina Tirso Cruz III (Pip) and his wife, Lynn (nee Ynchausti) ay naghihintay pa rin sa kanilang mga anak, Bodie and Djanin, na lumagay sa tahimik.

Parehong professionals na ang dalawa. Pareho silang nagtapos sa De La Salle University.

But as is common knowledge, Bodie opted to become a Pastor. Si Djanin naman ay may magandang position sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan.

Lynn, in a recent talk I had with her, admit na ‘di pa sila ni Pip over and done with, kumbaga, sa ‘di nila inaasahang pagkamatay ng kanilang panganay na si TJ.

Iniisip na lang nila na nasa better place ito ngayon, kung labis nilang nami-miss si TJ.

This coming Christmas will be the second year na ‘di nila makakapiling si TJ.

But without a doubt, ani pa ni Lynn, ultra grateful sila sa nangyayari sa showbiz career ngayon ni Pip.

Imagine nga naman, after The General’s Daughter, naisalang, kumbaga, kaagad sila sa ngayo’y trending series na Starla, where he has for his co-stars Judy Ann Santos, Raymart Santiago, Joel Torre and child performers Enzo Pelojero.

Plus Charo Santos-Concio, who plays a special role.

Nasa cast din si Pip ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry na Miracle on Cell No.7, na bida si Aga Muhlach.

Do you know, ayon kay Pip, that this is the first time that he and Aga are working on a showbiz project? And how long na nga naman have been in showbiz.

Well, Miracle… is directed by Nuel Naval. Mapapanood din dito sina Bela Padilla, Joel Torre, Jojit Lorenzo, JC de Vera and child actress Xia Vigor.

A production of Viva Films, ang award-winning story and scriptwriter na si Mel del Rosario ang sumulat ng iskrip.

Ruffa, sure na maid of honor sa kasal nina Sarah at Richard

Kung ang isusuot na damit ni Sarah Lahbati sa wedding niya kay Richard Gutierrez this March ay sa Paris pa binili, well sa kanyang kasal kay Juancho Trivino in 2020 din, ang wedding gown na kanyang isusuot ay sa New York City naman in-order ni Joyce Pring.

Ayaw pa both ng parties involved na idetalye ang anything about their respective wedding, except na rito sa Pilipinas pareho ito magaganap.

Sa kaso nga raw nina Richard at Sarah, may mahalagang papel, kumbaga, na gagampanan ang kanilang nearly four year-old na panganay na si Zion.

Samantala, tiyak nang ang kapatid na panganay ni Richard at nag-iisang kapatid na babae, si Ruffa (Gutierrez) ang magiging maid of honor.

In the case of Joyce, nalulungkot daw siya that her Dad, the late be medalled Police officer Joe Pring, will no longer be proud to bring her to the altar when she marries Juancho.

She was still a baby nang ma-gunned down siya sa isang encounter ng lawless elements.

Both Joyce at Juancho are contract talents ng Kapuso.

Sunshine may agreement sa mga anak bago pag-artistahin

In fairness kay Sunshine Cruz, pinapa­yagan niya ang kanyang three daughters with former husband, Cesar Montano, na makita ito kung gusto nila.

Dalaga na ang panganay nina Sunshine at Cesar na si Angelina. And she is now a singer, too, having just signed a contract with Universal Records.

Okay din lang daw kay Sunshine kung susunod din ang other younger girls niyang sina Samantha at Chesca na mag-showbiz din.

Usapang marangal lang daw, susog ni Sunshine, na magtapos ang mga ito ng kanilang pag-aaral.

In her case, she is doing well where her showbiz career is concerned. She is currently doing a series, Love Thy Woman, where she co-stars with Kim Chiu at Xian Lim.

May ginagawa siyang movie with Regal Films, ang My Stepmother’s Lover.

Showing pa ngayon ang movie na ginawa niya for Regal, ang The Heiress, co-starring her with Maricel Soriano, McCoy de Leon at Janella Salvador.

Where her lovelife is concerned, happily in love siya for three years now with Macky Mathay na half-brother ni Ara Mina.

With her marriage kay Cesar annulled since April pa, Macky is just waiting for her go-signal to marry her.

TIRSO CRUZ III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with