Marian at Gabby magtatambal sa First Yaya!

Marian Rivera

Tiyak na ikatutuwa ng fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pagbabalik-acting niya sa upcoming show ng GMA-7 na First Yaya.

Kahapon ay nakipag-meet na si Marian sa program manager ng serye na si Ali Dedicatoria, kasama ang manager niya sa Triple A na si Rams David at director Mike Tuviera. 

First time magtatambal nina Marian at Gabby Concepcion na talent ng dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo.

Sa title pa lamang ng serye, mukhang light romantic-comedy ito at si Marian ba ang magiging yaya ni Gabby?

Matagal na itong itinatanong kay Marian, tuwing may presscon siya ng mga endorsement niya, kung kailan siya babalik sa acting, pero ang lagi niyang sagot, hindi puwedeng sabay silang may project na ginagawa ng husband na si Dingdong Dantes dahil hindi niya kayang iwanan ang mga anak nang mag-isa. 

Baby pa ang bunso nilang si Ziggy, at si Zia ay pumapasok na araw-araw ay inihahatid-sundo niya sa school.

 Busy na kasi ngayon si Dingdong sa pagte-taping ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun (DOTS) at sa post ni Ms. Lilybeth Rasonable ng GMA Entertainment TV masaya sila na napanood na nila ang first two episodes ng drama-action serye at maganda raw ito. Binati niya si Dingdong at mga kasama nito sa cast dahil sa mahusay nilang pagganap.

Since iisa ang program manager ng DOTS at ng First Yaya, maaaring maayos ang schedule ng taping para isa kina Dingdong at Marian ang maiiwan kina Zia at Ziggy para may kasama at mag-aasikaso sa kanilang mga anak kung wala ang isa sa kanila.

Tiyak na isa ang First Yaya sa mga bagong magbubukas na shows ng GMA Network early 2020.

Sa ngayon ay nagho-host si Marian ng OFW docu-drama na Tadhana at every Sunday, live sila sa Sunday PinaSaya.

Aiko nadurog ang daliri sa pagboboksing!

Walang magagawa si Aiko Melendez kung hindi ang mag-report na sa taping ng GMA Afternoon Prime na Prima Donnas kahit naka-cast pa at namamaga ang kanyang right hand hanggang sa braso. 

Nadurog kasi ang kanyang fourth finger habang nagbo-boxing. Nagkamali raw kasi siya ng pagbabalot ng kamay niya at tumagos ito sa boxing gloves niya. Hindi lang alam ni Aiko kung magagawan ito ng paraan sa script na bigla siyang nagkaroon ng cast sa eksena. Sa story kasi ng Prima Donnas ay matapang si Aiko at siya ang gumagawa ng kasamaan sa tatlong Donnas, sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo, mga gumaganap na triplets ni Jaime (Wendell Ramos) at hindi siya nagpapaapi.

Ang Prima Donnas ay napapanood araw-araw pagkatapos ng Magkaagaw.

Mariz wish makita ang mga idol sa Korea

Bukas na, November 30, ang alis ni Mariz Umali for South Korea. Wala nga raw siya sa pagsisimula ng 20th anniversary presentation nila ng Unang Hirit simula sa Monday, December 2, at 4:55 AM. Six days siyang mawawala dahil hanggang sa December 4 pa ang imbita sa kanya ng South Korean Tourism. Isa palang Koreanovela addict itong si Mariz kaya wish niya ay makakita siya ng mga favorite niyang Korean actors doon.

Show comments