Maine magagamit ang talent sa pagba-ballet

Maine

Posts ni phenomenal star Maine Mendoza sa kanyang Twitter at Instagram:

“On point (e)! Meet Carol this December on Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Ito ay para sa coming guesting ni Maine sa Daig… para sa final episode nito this December.

Isang ballerina ang role ni Maine sa untitled pa na December presentation ng serye na dinidirek ni Rico Gutierrez. 

Tamang-tama naman ang role dahil marunong talagang mag-ballet si Maine na pinag-aralan niya noong bata-bata pa raw siya. Hindi na siya nahirapang mag-aral ng tamang steps ng isang ballet dancer.

Thankful si Maine sa Daig… dahil sa unang tatlong beses na niyang paggi-guest sa fantasy drama, iba-iba ang character niyang ginagampanan. 

Nauna ang Laura Tsismosa na ang kuwento ay tungkol sa batang mahilig gumawa ng kuwento kahit mali, kaya nilagyan ng zipper ang kanyang bibig ng fairy. Iyong isa naman ay si Laura pa rin pero may pagka-tomboy na tricycle driver na kayang-kayang lumaban sa mga lalaking nambu-bully sa kanya. 

Ang pangatlo ay napunta siya sa magical world na kasama niya si Baeby Baste kung saan iba-iba rin ang naging leading man niya, isa na rito ang Korean actor na si Alexander Lee.

Ngayon bilang isang ballerina, ayaw pang ikuwento sa amin kung ano ang talagang character niya at muli niyang makakasama si Baeby Baste. 

Magsisimula itong mapanood sa December 8 at every Sunday of December, pagkatapos ng Amazing Earth sa GMA-7.

Thea nag-solo sa Japan

Kasalukuyang nasa Japan ang young kontrabida actress na si Thea Tolentino. Nag-iisa lamang siya sa natuloy ding trip na muntik nang ma-postpone.

Pinayagan naman siyang magbakasyon ng ilang araw dahil matagal na niya itong ni-request sa production nga kanilang GMA Afternoon Prime na Madrasta. 

Nag-advance taping na rin siya ng scenes niya na ipalalabas habang wala siya.

Kasama niya sa serye sina Arra San Agustin at si Juancho Trivino. 

“Pahinga po muna ako sa pananampal at pagkagalit sa mga kagagahan ko,” biro ni Thea nang huli namin siyang makausap sa nasabing serye. 

“Nakaka-stress din po ang mga ginagawa ko, kahit acting lamang, salamat sa mga mahuhusay kong kaeksena sa serye at kay direk Monty Parungao.”

Post ni Thea nang nasa Mt. Fuji siya:

“Mr. Fuji Tour Day.  I got a bit emotional when I saw Fuji-san. We were lucky she showed up because it was supposed to rain.  I met Eva during lunch time. She’s also traveling alone so I asked her if I could sit beside her when we go back to the bus and we became friends instantly.  Everyday just keeps getting better and better. I feel so happyyyy! My heart is full right now.”

Kaabang-abang ang pagbalik ni Thea sa Madrasta na napapanood araw-araw pagkatapos ng Prima Donnas.

Show comments