Richard
Richard pinayuhan sina Bea at Angelica na ‘wag magmadali sa lalaki!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 24, 2019 - 12:00am

Sa presscon ng Unbreakable ay natanong si Richard Gutierrez kung ano ang maibibigay niyang love advice sa co-stars niyang sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo na alam naman nating recently ay may pinagdaanang heartbreak.

Si Bea ay kaka-break lang sa boyfriend na si Gerald Anderson habang si Angelica naman ay nagkaroon ng falling out with Carlo Aquino.

Habang si Richard naman, as we all know ay very successful ang love life. Masaya siya sa piling ng fiancée na si Sarah Lahbati who is also the mother of his two kids.

Ayon kay Chard, napakasuwerte raw ng mapapangasawa nina Bea at Angelica.

“At for me kasi, dapat, ako ha, nakikita ko sa kanila, dapat hindi sila magmadali kasi mahahanap din nila ang tamang tao para sa kanila sa tamang panahon. Ibibigay ni God sa kanila kasi they deserve the right person to love them completely.

“Kasi, ‘yun nga, based sa mga kwento at narinig ko ‘yung mga stories, parang grabe sila magmahal, eh. They give everything. So, suwerte ang mga lalaking mapapangasawa nila,” sey ni Chard.

Ejay ayaw makiuso

May dalawang taon na rin ang relasyon ni Ejay Falcon with Jana Roxas na dating contestant sa Starstruck pero as of now ay wala pa raw sa plano nila ang pagpapakasal although napag-uusapan naman daw nila.

“Napag-uusapan naman po, pero sabi ko nga, eh, wala pa sa ngayon, sobrang busy pa,” he said.

Sa ngayon daw, ang mas gusto nilang gawin ni Jana ay mag-travel nang mag-travel sa ibang bansa. Recently ay nagpunta sila sa Japan at iba raw talaga kapag nagta-travel ang isang couple dahil dito mas nagiging bonded ang relasyon.

“Napaka-importante po nu’n sa akin. Parang sabi ko nga, ‘ito na lang ang maging bisyo natin.’  Kasi maganda talaga pag nagta-travel lalo pag kasama mo rin ‘yung family mo. Mas nakikilala mo ang isang tao kasi everyday mong nakakasama,” sey pa ni Ejay.

Samantala, katatapos lang ni Ejay ng pelikulang Damaso kung saan ay ginagampanan niya ang papel na Elias ng Noli Me Tangere. Kasalukuyan naman siyang napapanood sa ABS-CBN series na Sandugo.

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with